OWWA Region IV-A, Binigyang Pasasalamat ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas

Donated Cold Chain Equipment sa Kapitolyo, Pormal nang Tinanggap, Binasbasan
July 7, 2022
Batangas SP, Complete Attendance sa Unang Regular Session
July 7, 2022

July 7, 2022

Binigyan ng gawad pasasalamat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Regional Welfare Office IV-A ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na pinamumunuan ni Governor Hermilando I. Mandanas noong ika-4 ng Hulyo 2022 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM ZONE, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Dinaluhan nina Batangas Satellite Officer Alexarlene M. Magsino, Batangas Family Welfare Officer Ivy C. Macaraig, at Officer-in-Charge for Programs and Services Division Avelina Sheryl S. Briton-Caya ang nasabing paggawad bilang mga kinatawan ni OWWA IV-A Regional Director Allan A. Ignacio.

BInigyang-diin ni Briton sa kaniyang mensahe na ang plake ay sumisimbolo sa taos-pusong pasasalamat ng OWWA Region IV-A sa Gobernador ng Batangas, at sa lahat ng bumubuo ng pamahalaang panlalawigan, sa pagbibigay ng OWWA desk o pwesto para sa kanilang tanggapan na matatagpuan sa gusali ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na pinamumunuan naman ni Gng. Jocelyn Montalbo.

Dagdag pa rito, malaking tulong aniya ang suporta ng pamahalaang panlalwigan sa layunin na mas mapalapit ang OWWA sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na mula Batangas at mga kalapit lalawigan at bayan na nangangailangan ng mga serbisyo nito, kagaya ng Livelihood Program for Distressed and Displaced OFW, Medical, Death and Burial Assistances; Scholarship pora sa mga kwalipikadong dependent ng OWWA member; at mga trainings para sa seafarers.

Ornald Tabares, Jr/Photos: Eric Arellano, Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.