Dahil sa RA10931, #FreeEducationNa!

World Blood Donor Day, Ipinagdiwang sa Pamamagitan ng Pagbibigay ng Dugo
June 18, 2018
Nationwide Information Caravan para sa RA 10931, Isinagawa sa Batangas
June 20, 2018

June 20, 2018

Libre na ang pag-aaral para sa mga estudyante ng mga State Universities and Colleges (SUC), Local Universities and Colleges (LUC), at technical-vocational institutions sa pagpapatupad ng Republic Act No. 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017.

Ang #FreeEducationNa! at ang mga alituntunin patungkol sa libreng tertiary education ang tinutukan ng National Information Caravan for RA 10931 noong ika-19 ng Hunyo 2018.

“They say, there is no such thing as free lunch, but there is such a thing as free higher education now in the Philippines,” pahayag ni Dr. Tirso Ronquillo, Batangas State University President at Philippine Association of State Universities and Colleges President.

Binigyang-diin ni Dr. Ronquillo na ang kagandahan ng programang ito ay ang pagkakataong mag-aral na may libreng tuition, miscellaneous, at other fees. Tinatayang 1.2 milyong mag-aaral mula sa 112 State Universities and Colleges (SUC’s) ang makikinabang sa free tertiary education.

Ayon naman kay Batangas 5th District Congressman Marvey Mariño, napakalaki at napakalalim ng maaaring positibong epekto ng batas na ito para sa mga kabataang Pilipino. Hindi na problema ang pambayad ng tuition at iba pang bayarin sa eskwelahan. Hindi na obligadong magtrabaho ang mga estudyante para pangtustos sa pag-aaral.

Ang programa, dagdag ni Cong. Mariño, ay may kabuuang pondong PhP 41 Bilyon kada taon. Galing sa iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan na may sobra at hindi nagagamit na budget ang nasabing pondo.

Ang oryentasyon na ginanap sa Batangas City Convention Center ay pinangunahan nina 5th District of Batangas Congressman Marvey Marino; UniFAST OIC Executive Director IV Atty. Carmelita Yadao-Sison; Region IV-A CALABARZON CHED Regional Director Dr. Emmylou Yanga, Rizal TESDA Provincial Director Elpidio Mamaril, Jr., at Dr. Tirso Ronquillo, Batangas State University President at Philippine Association of State Universities and Colleges President. – Jean Alysa C. Guerra / Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.