World Blood Donor Day, Ipinagdiwang sa Pamamagitan ng Pagbibigay ng Dugo

Batangueñang Math Wizard, Binigyang Pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
June 18, 2018
Dahil sa RA10931, #FreeEducationNa!
June 20, 2018

Give blood. Share life. Nagpalipad ng mga lobo ang mga miyembro ng Batangas Provincial Blood Council, sa pangunguna nina Provincial Health Officer Dr. Rose Ozaeta at Council President Jun Magana, kaisa ang mga opisyal at empleyado ng Calaca Municipal Government, kasama si Mayor Boogle Ona, bilang simbolo ng pakikiisa sa pagdiriwang ng World Blood Donor Day at Blood Olympics

Bilang bahagi ng World Blood Donor Day noong June 14, 2018, isinagawa ng Batangas Provincial Blood Council ang Blood Olympics sa Munisipalidad ng Calaca, Batangas.

Ang pagdiriwang na ito ay isinasagawa upang pasalamatan ang mga boluntaryo at walang bayad na nag-aalay at nagbibigay ng dugo para makapagligtas ng buhay at para mapakalat ang kaalaman sa pangangailangan ng regular at tuloy-tuloy na blood donation para masiguro ang pagkakaroon ng dugo na may mataas na kalidad at ligtas para sa mga pasyenteng nangangailangan nito.

Ginabayan ng temang: “Be there for someone else. Give blood. Share life.,” naging matagumpay ang nasabing Blood Olympics katuwang ang Bayan ng Calaca, sa pangunguna nina Mayor Sofronio Manuel Ona; Municipal Health Officer, Dr. Sharon Ona; at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

May kabuuang 415 bags ang nakolekta dito na nagmula sa mga volunteers mula sa DMCI Power Corporation, mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, mga empleyado ng munisipyo at mga residente ng Calaca. 280 bags ang mapupunta sa Batangas Medical Center, samantalang ang 135 bags ay nakalaan sa Philippine Red Cross.

Nagpasalamat si Mayor Ona sa mga kababayang nagbigay ng dugo, gayun din sa mga kinatawan ng Provincial Blood Council, sa pangunguna ng pangulo nitong si Mr. Jun Magana at Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta. – Millicent Ramos – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.