Contingency Planning Training of Facilitators, Isinagawa ng OCD-CALABARZON, Batangas PDRRMO

Community Food Market sa Kapitolyo, Ipinagpatuloy ng OPAg
May 21, 2022
Batangas Provincial GSO, Binigyang Pagkilala sa 14th Regional PAGSO Conference
May 25, 2022

May 24, 2022

Isinagawa ng Office of Civil Defense Region IV-A (OCD-CALABARZON), katuwang ang Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ang apat na araw na Contingency Planning Training of Facilitators (CPTOF) noong ika-16 hanggang 19 ng Mayo 2022 sa Dalubhasaan Building, Provincial Sports Complex, Barangay Bolbok, Batangas City.

Layunin ng training na makapagsanay ng mga kuwalipikadong mga facilitators na makakatuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pagbuo ng mga contingency plans para sa mga natural hazards, kabilang ang pagsabog ng bulkan, bagyo, baha, at paguho ng lupa, at human-made hazards, tulad ng sunog, terorismo at pagbagsak ng eroplano.

Dinaluhan ito ng 37 na participants na mga kasapi ng Konseho ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management, kabilang ang mga national agencies na Department of Public Works and Highways, Bureau of Fire Protection, Philippine Air Force, Philippine Red Cross Batangas Chapter, Batangas Police Provincial Office, Philippine Coast Guard, Department of the Interior and Local Government – Batangas, at Department of Education – Batangas Province.

Naging mga aktibong kalahok din ang mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan, kabilang ang Provincial Health Office, Provincial Social Welfare and Development Office, General Services Office, PDRRMO, Provincial Agriculture’s Office, Provincial Planning and Development Office, Provincial Tourism and Culture Affairs Office, Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office, Provincial Government- Environment and Natural Resources Office, Provincial Information Office at Provincial Engineer’s Office.

Ang pagkakaroon ng contingency plan (CP) ay makatutulong sa pagtatakda ng mga gawaing maayos na makatutugon sa mga hindi magandang epekto ng mga sakuna, at mga pangyayaring gumagambala sa normal na pamumuhay at operasyon ng pamamahala dulot ng emergency o kalamidad.

“Napaka-importante ng training na ito dahil isa ito sa mahahalagang paraan para maiwasan ang pagkakagulo o pagkalito kapag may emergency,” ayon kay Ms. Glaiza Johanna Garcia, Philippine Red Cross – Batangas Chapter Branch Head. “Nandito na sa Contingency Plan ang ating kakailanganing guide para malaman kung paano gagalaw at makikipag-coordinate kapag may biglaang banta o panganib dulot ng hazard.”

Ang training course ay binuo ng limang modules na tumalakay sa pagpapakilala ng CP, mga salik ng CP, mga proseso ng CP, pag-test ng CP, at mga paraan para maging epektibong tagapagsanay.

Ang pagsasanay ay pinangunahan nina Mr. Kelvin John Reyes, Civil Defense Officer IV, at Mr. Mark Rafael Sasutona, Training Specialist, na mga eksperto mula sa OCD-CALABARZON. Naging katuwang nila ang mga opisyal ng Batangas PDRRMO sa pangunguna ni Assistant Department Head Fe Fernandez, Training Division Chief Stephanie Nadine Labrador, at Planning Section Chief Tonnie Ross Untalan.

Naging panauhin sa pagtatapos ng kurso sina Vice Governor Mark Leviste at Provincial Administrator Wilfredo Racelis na kapwa nagpaabot ng kanilang pagbati at pasasalamat sa nag-organisa at dumalo sa nasabing pagsasanay, na daan tungo sa layunin ng pamahalaang panlalawigan na magkaroon ng disaster- resilient Batangas.

with reports from BPIO/BPDRRMO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
11

Comments are closed.