Batangas Provincial GSO, Binigyang Pagkilala sa 14th Regional PAGSO Conference

Contingency Planning Training of Facilitators, Isinagawa ng OCD-CALABARZON, Batangas PDRRMO
May 25, 2022
Invitation to Submit Quotation (Shopping)
May 26, 2022

May 25, 2022

Binigyang-pagkilala bilang pinaka-epektibo at mahusay ng General Services Officer (GSO) sa buong Region IV-A (CALABARZON) si Ginang Paulita Maneja, GSO ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa isinagawang 14th Regional Conference ng Philippine Association of General Services Officers (PAGSO) noong ika-20 hanggang 22 ng Abril 2022.

Ginanap ang Regional PAGSO Conference, na may temang “Stand Resilient, Steadfast and Immovable despite the challenges / Tunay na Lingkod Bayan, Kaagapay at Gabay sa Panahon ng Pandemya,” sa Tayabas, Quezon.

Malugod namang binati si Ginang Maneja ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna nina Gov. DoDo Mandanas at Vice Gov. Mark Leviste, sa flag ceremony noong ika-23 ng Mayo 2022, kung saan ibinahagi ang natanggap na pagpupugay ng Batangas Province GSO.

Tumanggap din ng pagkilala ang mismong tanggapan ng General Services Office para sa kanilang exemplary performance sa pagsuporta sa mga programa at aktibidad ng mga local government units.

Janssen Olimba, Batangas PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.