Bukid to Bahay Farm Product Expo, Ibibida ang Produktong Batangas

Batangas Province PWD Federation, nakiisa sa NDPR Week Pogram ng BatMC
July 18, 2018
Batangas ProVet, binigyang-diin ang kahalagaan ng Public Health and Food Safety
July 24, 2018

July 19, 2018

Bibida ang mga produktong Batangas sa ilulunsad na “Bukid to Bahay” Project, kung saan itatampok at ipakikilala ang mga Farm Products ng Lalawigan ng Batangas sa high end quality markets sa Bonifacio Global City sa Taguig City, Metro Manila sa darating na ika-25 ng Hulyo 2018.

Ang “Bukid to Bahay” Project ay isang programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na inilatag sa pagtutulungan ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), Office of the Provincial Agriculturist at private sector partners nito na Human Nature ni G. Tony Meloto, at Bukid to Bahay Inc. na pinamumunuan ni G. Michael Gonzales.

Ang Human Nature at Bukid to Bahay Inc. ang tutulong sa pagtataguyod ng network mula sa tourism, food and beverages sectors at suppliers na makakabalikat ng mga malalaking farm destinations sa pagbebenta ng mga agricultural products.

Ayon kay PTCAO chief Atty. Sylvia Marasigan, bukod sa pagpapakilala ng mga world-class products ng Batangas, magkakaroon din ng kaakibat na programa na maglulunsad ng Farm Tourism sa lalawigan, kung saan magiging pangunahing destinasyon ng mga turista ang mga farms na pinangagalingan ng mga produkto.

Sa pagkakaroon ng ganitong bagong atraksyon, isinusulong ng Lalawigan ng Batangas ang tourism program na nakatuon sa 5 F’s na “ Farm, Food, Faith, Family and Fun.”

Ang nasabing programa ay bilang pagsunod din sa direktiba ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na hinihikayat ang mga lalawigan sa buong Pilipinas na magkaroon ng ganitong uri ng programang pang turismo.

Bukod sa malaking maitutulong sa pagpapaangat ng kabuhayan ng mga magsasakang Batangueño, pagkakataon rin umano ito na ipakita ang potensyal ng mga produktong Batangas na makilala sa buong bansa at sa ibang bansa.

Ang Batangas ay may tinatayang 15 Farm sites na maaaring maging pangunahing atraksyon at destinasyon kung saan nanggagaling ang mga produkto tulad ng honey, turmeric products, iba’t-ibang seasonal fruits na maaaring gawing fruit jams, fruit Juices at iba pa. – Edwin V. Zabarte-BatangasPIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.