Bidang Batangueño ng Balayan, Cycling Gold Medalist

Konsultang Sapat at Tama Caravan, Dinala ng Kapitolyo sa Barangay Bañadero, Lungsod ng Tanauan
July 14, 2023
Bokal Corona, Nagbahagi ng mga Tungkulin, Highlights bilang Kinatawan ng 3rd District
July 14, 2023

July 14, 2023

Ipinagmamalaking ibinahagi ni John Arwin Velasco, tubong Bayan ng Balayan, Batangas, ang kaniyang nasungkit na gintong medalya sa katatapos lamang na National Road Championships 2023 sa Tagaytay City noong ika-27 hanggang ika-30 ng Hunyo 2023.

Naiuwi ni Velasco ang naturang panalo sa men’s road race – junior category matapos mapagtagumpayan ang halos mahigit sa 80-km road race.

Masaya ring ipinagbigay-alam ng gold medalist sa kaniyang naging panayam sa B’yaheng Kapitolyo, ang opisyal na programang pangradyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, kung paano ang hilig niya sa pagbibisekleta ay unti-unting naging isang ganap na sports para sa kaniya, at kalaunan ay sumubok nang sumali sa iba’t ibang road cycling competitions.

Hindi rin naman aniya nahahadlangan ng kaniyang mga ginagawang paghahanda at pagsasanay ang kaniyang pag-aaral. Si Velasco ay kasalukuyang mag-aaral ng Balayan Senior High School.

Upang mapagyaman pa ang kaniyang angking dedikasyon at galing sa larangan ng pagbibisekleta, patuloy niya aniyang pagbubutihin ang mga pagsasanay, at gagawing motibasyon ang kaniyang pangarap na makilala bilang isang mahusay na siklista.

Bunsod nga ng kanyang pagkakapanalo, isa sa mga posibleng susunod na lahukan ng teen Batangueño cyclist ay isang karera sa bansang South Korea.

Ang National Road Championships 2023, na nilahukan ng mga Road cycling enthusiasts sa ibat’ ibang bahagi ng bansa, ay magkakatuwang na inorganisa ng Philippine Olympic Committee, Philippine Sports Commission, PhilCycling Integrated Cycling Federation of the Philippines, Union Cycliste Internationale, Asian Cycling Confederation, at iba pang mga pampubliko at pribadong organisayon.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO/Photos: John Arwin Velasco

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
12

Comments are closed.