Konsultang Sapat at Tama Caravan, Dinala ng Kapitolyo sa Barangay Bañadero, Lungsod ng Tanauan

Batangueñang Miss Philippine Society of Agricultural and Biosystems Engineer 2023, Kinilala sa Kapitolyo
July 12, 2023
Bidang Batangueño ng Balayan, Cycling Gold Medalist
July 14, 2023

July 14, 2023

ba

Iba’t-ibang serbisyong medikal, sa pamamagitan Konsultang Sapat at Tama (KONSULTA) Caravan, ang inihatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa Barangay Bañadero, Lungsod ng Tanauan noong ika-11 ng Hulyo 2023.

Sang-ayon sa layunin ni Governor DoDo Mandanas na maipatupad ang malawakang health initiatives, isinagawa ang libreng konsulta at access sa pagpapagamot, ganun din ang pagpaparehistro ng mga Batangueño sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) upang mabantayan ang kalusugan ng mga kababayan.

Sa panayam ng B’yaheng Kapitolyo kay Dr. Gerald Alday, Assistant Department Head ng Provincial Health Office (PHO), inilahad nito ang mga serbisyong hatid ng KONSULTA Caravan tulad ng medical check-up; initial procedures, tulad ng X-Rays, electrocardiogram o ECG, at random blood sugar tests o RBS; dental procedures; at pagkakaloob ng libreng gamot para sa mga may karamdaman.

Tinatayang nasa 300 indibidwal ang napagkalooban ng libreng serbisyo ng PHO na nagmula sa host barangay, at mga kalapit barangay at bayan.

Isa sa mga sumadya sa caravan upang magpakonsulta si Gng. Isberta Flores, na ayon sa kaniyang anak ay nagpunta upang makapagpatingin at makapagpakonsulta sa duktor ng libre at makapagpa-xray na rin.

Naging taos-puso at lubos naman ang pasasalamat ng mga Tanaueños sa Pamahalaang Panlalawigan sa pambihirang oportunidad at pagkakataon na magkaroon ng libreng medical services sa kanilang lugar.

Inaasahan na magpapatuloy ang naturang pag-iikot ng programang KONSULTA Caravan ng PHO sa iba’t ibang barangay, bayan at lungsod ng Lalawigan ng Batangas.

Ornald Tabares, Jr/Photo: JunJun Hara De Chavez, Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.