Batangueñong Jail Chief Superintendent ng BJMP, Kinilala ng Kapitolyo

Mga Programa, Aktibidad sa Larangan ng Isports, Tinalakay ng Batangas PACD
July 18, 2023
Kapitolyo Nakiisa sa Paglulunsad ng KADIWA ng Pangulo
July 18, 2023

July 18, 2023

Isang Resolusyon ng Pagkilala mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Sangguniang Panlalawigan (SP), ang personal na iginawad kay Jail Chief Superintendent Ruel Silva Rivera sa pagkakatalaga nito bilang Chief ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nina Governor DoDo Mandanas, Vice Governor Mark Leviste at mga Board Members noong ika-17 ng Hulyo 2023 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City.

Ang SP Resolution para sa magiting na Batangueñong lingkod bayan, mula sa Lungsod ng Lipa, ay inisponsor ni 4th District Board Member Jonas Patrick Gozos sa 27th SP Regular Session, na pinangunahan ni Acting Vice Governor at 5th District Senior Board Member Claudette Ambida noong ika-3 ng Hulyo 2023.

Si Rivera ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Patnubay Class of 1995, kung saan nagtapos siya ng Public Safety degree, habang kinuha naman nito ang kanyang Master in Public Administration sa Batangas State University.

Sa kanyang 28 taon sa serbisyo publiko, si Chief Superintendent Rivera ay humawak ng iba’t ibang posisyon sa BJMP. Bilang isang warden ng municipal, city at district jails, ipinakilala niya ang mga konsepto ng Persons Deprived of Liberty (PDL) records digitization at pinamunuan ang E- Dalaw system, ang unang electronic visitation system na nagbigay-daan sa mga kapamilya at kaibigan na makipag-usap online sa kanilang mga nakakulong na kamag-anak.

Jayne Elarmo – Batangas PIO Capitol/Photos:JunJun De Chavez

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.