Kapitolyo Nakiisa sa Paglulunsad ng KADIWA ng Pangulo

Batangueñong Jail Chief Superintendent ng BJMP, Kinilala ng Kapitolyo
July 18, 2023
Local Government Support Fund – Financial Assistance (FA) to Local Government Units (LGUs) Report on Fund Utilization and Status of Program/Project Implementation as of June 30, 2023
July 19, 2023

July 18, 2023

Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa isinagawang sabay-sabay na paglulunsad ng “Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas ng Kita” (KADIWA) ng Pangulo 2023 sa pamamagitan ng proyekto nitong Community Food Market ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ngayong araw, ika-17 ng Hulyo 2023.

Ipinamalas ng Kapitolyo, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, ang buong suporta sa KADIWA, na proyekto ni Pangulong Bongbong Marcos at naglalayong mailapit sa taumbayan ang mga murang bilihin mula sa mga lokal na agricultural producers.

29 na mga farmers at fisherfolks’ associations, cooperatives, at Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) mula sa lalawigan ang nakilahok sa Community Food Market na ginanap sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Naging paninda sa community market ang iba’t ibang mga agricultural produce, tulad ng bigas, gulay, karne, prutas, at isda; mga food and non-food products ng mga MSMEs na kasama sa One Town, One Product ng mga local government units; at mga ready-to-eat food ng mga micro enterprises.

Ang implementasyon ng KADIWA sa Kapitolyo ay pinangunahan ng mga kawani ng OPAg, sa pamumuno ni Dr. Rod Bautista. Naging katuwang sa aktibidad ang mga tanggapang pang-Region IV-A ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Agriculture (DA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI) and Department of Labor and Employment.

Kabilang sa mga dumalo sa pamilihan sa Kapitolyo sina sa DTI Regional Director Marissa Argente, DOLE Provincial Director Predelma Tan, at DA Marketing Assistance Division Chief Edith Salvosa.

V. Altar / Photos: Francis Milla – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.