Batangueñang bayani ng Katipunan kinilala

Anti-Drug Program ni Gov. Mandanas sa Batangas kinilala ng PNP
August 25, 2016
Provincial Alay Lakad (Expect Heavy Traffic)
September 1, 2016

Pormal na binigyang-pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang “kabayanihan, kadakilaan at kagitingan” ni Doña Gliceria Marella vda. De Villavicencio ng Bayan ng Taal noong panahon ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga mananakop na Kastila, sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng mga Bayani noong Agosto 30, 2016 sa Kapitolyo ng Lalawigan ng Batangas.

Sa pamamagitan ng Kapasiyahan Bilang N-085 Serye ng 2016, binigyang-pugay at pagpapahalaga ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Vice Governor Nas Ona, kasama si Governor Dodo Mandanas ang mga naiambag ng pamilya ni Doña Gliceria sa rebolusyon at pakikipaglaban para sa kalayaan ng bansa.

Ayon sa kapasiyahang iminungkahi ni 5th District Board Member Claudette Ambida, at sinang-ayunan ng buong sanggunian, nagpadala noong 1872 ng halagang 18,000 pesos (ngayon ay katumbas na ng PhP6.5 milyon ayon sa pagtataya) ang mag-asawang Eulalio at Gliceria Villavicencio kay Dr. Jose Rizal sa Hongkong para sa paglilimbag ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Gayun din, ipinagamit nila ang kanilang sariling barko, ang SS Bulusan, sa paghahatid ng mga Katipunero ang mga tulong sa kilusan na nasa Bicol  at iba pang lalawigan.  Ang nasabing barko ay ibinigay na din ng mga Villavicencio sa pamahalaan at naging unang barko ng Sandatahang Pandagat.

Pinapurihan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas si Doña Gliceria at ang kanyang “pamilyang lahi ng rebolusyunaryong Batangueño upang mapalaganap sa mga paaralan, institusyon at mga lokal na pamahalaan ang tungkol sa kanyang buhay at kabayanihan.”  Jenny Asilo-Aguilera / PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
3

Leave a Reply