Anti-Drug Program ni Gov. Mandanas sa Batangas kinilala ng PNP

Farmers Information and Technology Services Center Binuksan sa Batangas
August 5, 2016
Batangueñang bayani ng Katipunan kinilala
August 31, 2016

Camp Vicente Lim, Calamba City-   Binigyang pugay ng Philippine National Police (PNP) ang mga natatanging Local Government Units ng CALABARZON ganun din ang mga magigiting na pulis at mga command units na sumasailalim ng PNP Regiona IV-A Command, noong ika-24 ng Agosto 2016 sa Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna.

Isa si  Governor Hermilando I. Mandanas ng lalawigan ng Batangas na binigyan ng   pagkilala dahil sa isinagawa nitong programa upang maabot ng lalwigan ang enhanced law enforcement services and anti-criminality  efforts nito na naging daan upang matagumpay na implementasyon ng oplan double barrel sa lalawigan.

Ang pagbibigay parangal ay bahagi ng ika- 115th  Police Service Anniversary Celebration, na may temang “Hamon ng Pagbabago, pinag ibayong Serbisyo”.

Pinamunuan mismo ni PNP Director General Ronald “Bato” M. Dela Rosa ang pagdiriwang at pag gagawad ng mga komendasyon sa mga napiling LGUs at  PNP personel at Support units na nagpakita ng magandang programa sa pagpapaganap ng mga peace and order programs katuwang ang PNP sa kanilang mga lalawigan.

Tampok sa programa ang mga accomplishments  ng PNP sa pagpapatupad ng Oplan Double Barrel o ang pina- igting na laban sa droga na direktiba ni President Rodrigo Roa Duterte.

Sa pagtugon ng mga PNP Units sa CALABRZON Region at mga Local Chief Executives ng mga bayan at lalawigan, nagbigay ng kanyang taos pusong pasasalamat si Chief PNP dela Rosa sa mga ito at ipinaabot sa mga lokal na pinuno ang kanyang matibay na dedikasyon na sugpuin di lamang ang droga kundi lahat ng aspeto ng krimen.

Hinirang din na isa sa mga Outstanding Police Provincial Police Office ang Batangas PNP Command  sa epektibo nitong programa laban sa mga loose fire arms, partikular dito noong nakaraang national and local elections at pagkakaroon ng mga ito ng most number of  Surrendered Suspected Drug Personalities sa ilalim ng Project Tukhang./ BatangasPIO: Edwin V. Zabarte

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Leave a Reply