Batangas Provincial PWD President Nelson Adante Nahalal bilang Treasurer ng CALABARZON Federation

Programa, Tulong sa mga Batangueño OFWs, Patuloy na Tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan
August 3, 2023
Mga Ordinansa, Inisyatibo para sa Health at Education Sector, Ibinahagi ni 2nd District BM Magboo
August 4, 2023

August 3, 2023

Nahirang bilang treasurer ng Persons with Disability (PWD) Federation – Region IV-A si Batangas Provincial PWD Federation President Nelson Adante sa halalang isinagawa noong Agosto 1, 2023 sa Lungsod ng Makati.

Ang naging eleksyon ay nakapaloob sa tatlong araw na Strategic Planning on Programs and Services for Persons with Disabilities na dinaluhan ng regional core group, kabilang ang mga Provincial PWD Federation presidents ng mga lalawigan ng CALABARZON, kasama ang mga focal persons ng bawat probinsya.

Bahagi ang planning session ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week, kung saan tinalakay ang mga updates sa mga batas na nauukol sa mga PWDs, at inilatag at isinaayos ang mga nakalinyang mga programa at proyekto na epektibong tutugon sa mga pangangailangan ng kanilang mga miyembro.

Jun Magnaye / Photos: Nelson Adante – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.