Batangas Gov. DoDo Mandanas, Re-elected Bilang RDComm ng Luzon

PHIVOLCS: Flash Flood, Di Lahar, ang Nangyari sa Buso-Buso, Laurel Matapos ang Isang Thunderstorm
June 8, 2020
Gov Mandanas: Tuloy-tuloy pa rin ang Programang Pang-edukasyon sa Lalawigan; Pamamahagi ng ICT Equipment ng Kapitolyo, Palalawigin
June 9, 2020

June 9, 2020

Muling naihalal na chairperson ng Luzon Regional Development Committee (RDComm) si Batangas Governor Hermilando I. Mandanas habang si Bataan Governor Albert Raymond S. Garcia ay itinalagang Co-Chairperson sa naganap na meeting noong ika-2 ng Hunyo 2020 sa pamamagitan ng videoconference.

Dumalo sa pagpupulong ang mga chairperson ng iba’t ibang Regional Development Councils (RDC) na matatagpuan sa Luzon, kabilang sina Mayor Juan Carlo S. Medina ng RDC I o Ilocos Region, Gov. Albert Raymond S. Garcia ng RDC III o Central Luzon, Gov. Mandanas ng RDC IV-A o CALABARZON, Gov. Jose R. Riano ng RDC IV-B o MIMAROPA, at Mayor Noel E. Rosal ng RDC V o Bicol Region. Nakiisa rin sa teleconference si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Danilo D. Lim.

Ipinahayag ni Gov. Mandanas ang kanyang pasasalamat sa kanyang pangalawang termino bilang chairperson ng Luzon RDComm, na tinalakay ang tungkol sa COVID-19 pandemic, agrikultura, local autonomy at iba pang priority agenda para sa 2020 hanggang 2022.

Si Gov. Mandanas ang magiging kinatawan ng Luzon RDComm sa NEDA Board RDComm upang isulong ang mga regional development policy concerns ng Luzon island group.

Bryan Mangilin – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
81

Comments are closed.