Gov Mandanas: Tuloy-tuloy pa rin ang Programang Pang-edukasyon sa Lalawigan; Pamamahagi ng ICT Equipment ng Kapitolyo, Palalawigin

Batangas Gov. DoDo Mandanas, Re-elected Bilang RDComm ng Luzon
June 9, 2020
Ika-122 na Araw ng Kalayaan, Ginunita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
June 12, 2020

June 9, 2020

“Hindi natin papayagan ang COVID-19 na maging sagabal o hadlang sa pagpapatataas ng antas ng pag-aaral ng ating mga kabatan.”

Ito ang binigyaang-diin ni Governor DoDo Mandanas sa kaniyang mensahe sa isinagawang Division Joint 2020 Brigada Eskwela and Oplan Balik Eskwela Virtual Kick-Off Ceremony noong ika-5 ng Hunyo 2020, na pinangunahan ng Department of Education – Batangas.

Ang nasabing sermonya ay idinaos sa pamamagitan ng Facebook Livestreaming kung saan naging tampok na paksa ang mga paghahanda sa pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2020-2021 sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19.

Ayon kay Gov. Mandanas, tuloy-tuloy pa rin ang programang pang-edukasyon ng lalawigan na bahagi aniya ng pagbibigay kahalagahan sa diwa ng tungkulin na maipaganap ang lahat ng kailangan para mabigyan ng magandang kinabukasan ang bawat estudyanteng Batangueño.

Sa patuloy na pagbabahagi ng gobernador, ipinabatid nito na sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo sa Special Education Fund ay mapaparami at mapapalawig pa ang ginagawang pamamahagi ng mga Information and Communication Technology equipment na kailangang-kailangan aniya sa panahong ito ng New normal.

Sinisikap din umano ng pamahalaang panlalawigan na magkaroon ng libreng internet access sa mga paaralan kung saan hinihintay na lamang ang mga internet broadband na magmumula sa pamahalaang nasyunal at nang agarang maipaabot na ito sa mga eskwelahan.

Bukod dito, nakatakda na rin ang isang pagpupulong ng Provincial School Board (PSB) na magbibigay-tugon sa mga pangangailan at hinaing ng mga pampublikong paaralan sa lalawigan.

Nabanggit naman ng gobernador na nasa procurement process na ang lalawigan para maipagpatuloy nito ang pamamahagi ng mga laptop na laang suporta sa mga guro.

Sa mga nakalipas na araw, bilang parte pa rin ng patuloy na ginagawang paghahatid ng malasakit sa bawat isang Batangueño sa panahong ito ng pandemya, ipinahayag ni Gov. Mandanas na ang mga Day Care students, sa kaniyang inisyatibo, ay napaabutan din ng mga rice at food packs.

Ang parehong tulong ay nagsimula na ring maipagkaloob sa Parents-Teachers Association (PTA) noong isang linggo.

Samanatala, dagdag pa ng gobernador, sa panahon ngayon na humaharap ang lahat sa matinding hamon, bilang ama ng lalawigan at tumatayo ring Co-Chairperson ng PSB, katuwang ang lahat ng bumubuo ng Kagawaran ng Edukason sa probinsya at mga miyembro ng local PSB, sisikapin niyang mapalakas pa ang pagtutulungan at pagkakaisa na siyang sisimbolo umano sa tema ngayong taon na kumikilala sa kahalagahan ng bayanihan o pagsasama-sama para sa isang brigada.

Mark Jonathan Macaraig – Batangas Capitol PIO / Photo: DepEd Tayo Batangas Province Facebook

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.