Regional Migrant Workers’ Day 2018, Ipinagdiwang

Barangay Tanod Federation 2nd Quarterly Meeting, Idinaos
June 5, 2018
Basic Accounting Itinuro ng PCLEDO sa Coop Members
June 6, 2018

Araw ng Pasasalamat. Halos 800 na OFWs at kanilang pamilya na kabilang sa iba’t ibang OFW associations at federations sa Region IV-A CALABARZON ang dumalo sa selebrasyon ng Regional Migrant Worker’s Day 2018, kasama si Gov. Dodo Mandanas at mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at Overseas Workers Welfare Administration, noong ika-5 ng Hunyo 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. ✎ Jean Alysa C. Guerra/Photo by: Jhay B. Pascua – Batangas Capitol PIO

“Kabuhayan at Teknolohiya Para sa OFW’s at Pamilya”, ito ang naging tema ng katatapos lamang na selebrasyon ng Regional Migrant Worker’s Day 2018 noong ika-5 ng Hunyo 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Ang okasyon ay bahagi ng pasasalamat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), sa mga Overseas Filipino Workers (OFW), kaisa ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), na dinaluhan ng halos 800 na OFW’s at kanilang pamilya na kabilang sa iba’t ibang OFW associations at federations sa Region IV-A CALABARZON.

Ayon kay Corazon Vidal, Presidente ng Brgy. Niugan OFW Association ng bayan ng Lemery, mahalaga ang pagkakaroon ng ganitong selebrasyon sapagkat tinuturuan sila kung paano ang wastong paggamit at paghawak ng mga perang ipinadadala sa kanila ng mga kapamilyang OFW. Dagdag pa rito, nagkakaroon sila ng pagkakataon na makilala ang iba pang miyembro ng OFW Family Circles (OFC’s) na katulad niya.

Naghanda ang OWWA ng mga patimpalak tulad ng Singing contest at Logo Making Contest upang malinang ang talento ng pamilyang OFW. Naghanda rin sila ng raffle prizes para makapagbigay aliw.

Ang ibang asosasyon ay may inihandang iba’t-ibang produkto na ayon sa kanila ay sila rin mismo ang gumagawa. Ang perang kikitain nila ay mapupunta sa kanilang kooperatiba.

Ito ay ginaganap kada taon, na ngayon ay nasa ika-35 taon na ng pagdiriwang. Isinasagawa ito upang matiyak ang kapakanan at pag-unlad ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa maging ang mga pamilyang naiwan nito, sa gabay ng RA 8042 o ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995. – Jean Alysa C. Guerra – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.