2018 Nutrition Month Celebration, ginanap sa Batangas Capitol

ASEAN Conference and Expo on Disaster Management and Climate Change, idinaos sa Batangas
July 26, 2018
Tamang Nutrisyon para sa Bawat Batang Batangueño, Patuloy na Tinututukan
July 26, 2018

Deka-dekadang paglilingkod sa ngalan ng Nutrisyon. Ginawaran ng Certificates of Appreciation at cash prize ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, ang mga “longest-serving Barangay Nutrition Scholars” sa Batangas Province. Nasa larawan ang 15 indibidwal na napag-alamang mahigit 28 taon nang naglilingkod bilang mga volunteer workers sa kani-kanilang mga barangay, na ang pinakamatagal ay 38 taon. Kasama ni Gov. Mandanas na nag-abot ng mga sertipiko sina Dr. Josephine Gutierrez (kaliwa) at Dr. Mercedita Salud (kanan) ng Provincial Health Office. Vince Altar / Photo: JJ Pascua – Batangas Capitol PIO

July 26, 2018

Deka-dekadang paglilingkod sa ngalan ng Nutrisyon. Ginawaran ng Certificates of Appreciation at cash prize ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, ang mga “longest-serving Barangay Nutrition Scholars” sa Batangas Province. Nasa larawan ang 15 indibidwal na napag-alamang mahigit 28 taon nang naglilingkod bilang mga volunteer workers sa kani-kanilang mga barangay, na ang pinakamatagal ay 38 taon. Kasama ni Gov. Mandanas na nag-abot ng mga sertipiko sina Dr. Josephine Gutierrez (kaliwa) at Dr. Mercedita Salud (kanan) ng Provincial Health Office. Vince Altar / Photo: JJ Pascua – Batangas Capitol PIO

Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang Culminating Program para sa pagdiriwang ng 2018 Nutrition Month noong ika-25 ng Hulyo sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Ito ay sa pangunguna ng Tanggapan ng Panlalawigang Pangkalusugan at ang Batangas Provincial Nutrition Council (PNC).

Ang nasabing okasyon ay dinaluhan ng mga PNC members, Barangay Nutrition Scholars (BNS), Municipal Nutrition Action Officers (MNAOs) ng iba’t – ibang bayan sa lalawigan at Provincial Health Office personnel, sa pangunguna nina Dr. Mercedita Saludo at Dr. Josephine Gutierrez.

Sa naging mensahe ni Gov. Dodo Mandanas, pinasalamatan niya ang mga BNS na handa at walang pagod na nagbibigay ng boluntaryong serbisyong pangkalusugan. Dito ay kanyang ipinagbigay alam na maglalaan ng pondo ang pamahalaang panlalawigan para makatanggap ng pensiyon ang bawat isang BNS sa panahon ng kanilang pagreretiro.

Nagbigay naman ng parangal ang Batangas PNC, sang-ayon sa kani-kanilang 2017 program implementation accomplishments, para sa mga Provincial Outstanding Municipal Nutrition Committees: 4th placer ang San Jose, 3rd Placer ang Lobo, 2nd placer ang Taysan at 1st Placer ang Sto. Tomas; Provincial Outstanding Municipal Nutrition Action Officers (MNAO): 4th placer si Edwina L. Canto ng San Jose, 3rd placer si Jeanne A. Aclan ng Lobo, 2nd placer si Cecilia E. Perez ng Taysan at 1st placer si Maria Cristina Girlie M Solleza ng Sto. Tomas; Provincial Outstanding Barangay Nutrition Scholars: 4th placer si Marcelina Laton ng Brgy. Gelerang Kawayan, San Pascual, 3rd Placer si Zenaida Ramos ng Brgy. Mataas na Lupa, Taysan, 2nd placer si Carina Atienza ng Brgy. Putingbato East, Calaca, at 1st placer si Elsa Mauleon ng Barangay 4, Cuenca. Sila ay nakatanggap ng plaque at cash incentives.

Ginawaran naman ng Certificates of Appreciation at cash prize ang mga “longest serving Barangay Nutrition Scholars” sa Batangas Province. Sa pagsasaliksik ng PNC, 15 indibidwal ang napag-alamang mahigit 25 taon nang naglilikongkod bilang mga volunteer workers sa kani-kanilang mga barangay. Pinakamatagal sa serbisy bilang BNS sina Maxima Saludo Leyesa ng Brgy. San Isidro at Imelda Garcia Melo ng Brgy. Pag-olingin East, kapwa ng Lungsod ng Lipa, na 38 nang nagbibigay ng serbisyo publiko sa kanilang mga ka-barangay. Samantala, nag-kampeon sa Vegetables and Fruits Booth Presentation ang 2nd District.

Naging bahagi rin ng programa ang isang forum, kung saan tinalakay ang Organic Agriculture at Organic Vegetable Production and Preparation of Concoctions ng mga kawani ng Office of the Provincial Agriculturist; at presentasyon ng mga batang sumailalim sa 2017 Provincial Supplementary Feeding Program.

Alinsunod sa Presidential Decree No. 491 of 1974 o Nutrition Act of the Philippines, ang buwan ng Hulyo bawat taon ay itinakda ng pamahalaan bilang Nutrition Month. Ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon ay isinasagawa upang mabigyang atensyon at mapukaw ang kamalayan ng mga Pilipino sa kahalagahan ng wasto at sapat na nutrisyon sa ating katawan.

Sa ika-44 na paglulunsad ng Nutrition Month sa bansa, ang National Nutrition Council (NNC) ay nagsusulong sa selebrasyon na may temang “Ugaliing magtanim, Sapat na nutrisyon aanihin!”. Ang temang ito ay nakatutok sa Food Gardening o ang pagtatanim ng mga gulay, punong kahoy, prutas at iba pa sa tahanan sa pamamagitan ng sariling hardin o bakuran para magkaroon ng sapat na pagkain sa mga hapag kainan.

Nakiisa sa programa sina 1st District Board Members Jun-Jun Rosales at Glenda Bausas, kung saan ipinakita nila ang kanilang suporta sa adhikain na mapabuti ang kalusugan ng bawat isang mamamayang Batangueño. Dumalo rin sa awarding ceremony sina Taysan Vice Mayor Marianito Perez at Lobo Municipal Councilor Dean Albert Araja. – Mark Jonathan M. Macaraig and Shelly Umali – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.