Aktibidad ng Dept of Agri, may Dalang Positibong Pagbabago

Pagbalangkas ng Taal Lake Protective Landscape Fishery Law Enforcement Isinagawa
January 31, 2018
2018 1st Quarter Meeting ng Batangueña Women’s Councils, Isinagawa
February 1, 2018

February 1, 2018

Tunay na epektibo at may pagbabagong nararamdaman ngayon sa agrikultura.  Si Mang Victoriano, limampu’t dalawang taong gulang at magsasaka mula sa Ibaan, Batangas, ay isa sa mga regular na dumadalo sa Information Caravan ng Department of Agriculture at nagpapatotoo dito.

Nitong ika-31 ng Enero ng 2018, isang Information Caravan na inorganisa ng DA para sa mga magsasaka ang ginanap sa Provincial Sports Complex, Batangas City na naglalayon na magbahagi ng kaalaman at impormasyon tungkol sa agrikultura.

Aniya, maganda ang sistemang ito ng Departamento ng Agrikultura sapagkat hindi man siya nakapagtapos ng pag-aaral ay nagkakaroon siya ng dagdag na kaalaman at lakas ng loob na pagbutihin pa ang pagsasaka.

Dagdag pa nito, maging ang iba pa niyang kasamahang magsasaka ay ineengganyo niya na dumalo sa mga ganitong pagtitipon upang magkaroon pa sila ng impormasyon tungkol sa epektibong pagsasaka.

Sa huli, malaki ang pasasalamat ni Mang Victoriano sapagkat sa pamamagitan ng mga impormasyong kanyang natutunan mas magiging maganda ang resulta ng kanyang pagtatanim na nagpaparami ng kanyang inaani. Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.