2018 1st Quarter Meeting ng Batangueña Women’s Councils, Isinagawa

Aktibidad ng Dept of Agri, may Dalang Positibong Pagbabago
February 1, 2018
Notice of Vacant Position
February 1, 2018

Batangueña Women’s Councils. Nagbigay ng mensahe si Gov. Dodo Mandanas sa 2018 1st Quarter Joint Meeting ng Provincial Women Coordinating Council Batangas Inc. at Municipal Women Coordinating Council Batangas, Inc., na pinangunahan ni Atty. Gina Reyes Mandanas, noong ika-31 ng Enero ng 2018 sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City. Kimzel Joy T. Delen at Almira M. Eje / Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

Pinangunahan ni Atty. Gina Reyes Mandanas, pangulo ng Provincial Women Coordinating Council Batangas Inc. (PWCCBI), ang pagpupulong ng mga miyembro ng samahan para sa 1st Quarter ng 2018 noong ika-31 ng Enero ng 2018 sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City.

Dumalo sa meeting ang mga department heads ng mga Municipal Social Welfare and Development Offices at women leaders ng iba’t ibang bayan sa lalawigan upang talakayin ang mga magiging aktibidad sa selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan sa Marso 2018.

Pinag-usapan sa pagpupulong ang gagawing Search for Outstanding GAD Implementer at Search for Outstanding District, City at Municipal Women Coordinating Council alinsunod sa selebrasyon ng buwan ng kababaihan sa Marso.  Ang mananalo ay makakakuha ng 200 libong piso at Plaque of Recognition.

Nagbahagi din ang mga kasapi ng iba’t ibang munisipyo ng kani-kanilang mga proyekto at programa para sa mga kababaihan. Ilan sa mga nabanggit ay ang pagkakaroon ng patimpalak sa sayaw, pagtalakay sa mga kabuhayan at pagbuhay sa mga palarong panlahi.

Nagbigay din ng mensahe si Gov. Dodo Mandanas na nagpasalamat sa lahat ng dumalo sa pagiging aktibong kabahagi ng samahan at paghingi sa mga ito ng patuloy na suporta para sa mga programa ng Lalawigan ng Batangas.

Ilan sa layunin ng PWCCBI ay ang palaganapin ang pangkalahatang kapakanan ng mga kababaihan sa Lalawigan ng Batangas; hikayatin ang lahat ng organisasyon ng mga kababaihan na magkaroon ng akreditasyon sa PWCC; at tipunin at mag-udyok sa mga grupo ng kababaihan na magbigay ng buong suporta at pakikiisa para sa kapakanan ng lahat.  Kimzel Joy T. Delen at Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.