Pagbalangkas ng Taal Lake Protective Landscape Fishery Law Enforcement Isinagawa

Information Caravan sa Region IV-A, Isinagawa ng Department of Agriculture
January 31, 2018
Aktibidad ng Dept of Agri, may Dalang Positibong Pagbabago
February 1, 2018

January 31, 2018

Nagtipon  ang mga kasapi ng Taal Volcano Protective Landscape –Protected Area Management Board bilang tugon sa rekomendasyon ng Fisheries Sub Committee na magpasa ng Resolusyon  na lilikha ng TVPL Law Enforcement Sector, na aatasan na magmasid at magpatupad ng mga environmental laws sa kabuuan ng Taal Lake.

Naganap ang pagpupulong noong ika-30 ng Enero 2018 sa Taal Volcano Protective Landscape Eco-Lodge sa Brgy. Pansipit sa bayan ng Agoncillo.

Ang pagpupulong ay pinangunahan ng mga miyembro ng Office of the Protected Area Superintendent on Taal Volcano Protected Landscpe, na pinamumunuan ni Protected Area Superintendent Jasmin Villanueva-Andaya; mga kasapi ng Tanggol Kalikasan; Protected Area Superintendent Environmental Law Enforcement (PASu-ELE) Group na kinakatawan ni Atty. Asis Perez; Agoncillo Mayor Dan Reyes; Municipal Environmental and Natural Resources Officer Rodrigo Reyes; at mga opisyal ng Philippine Coast Guard.

Layunin ng pagtitipon ang pagbalangkas na mga hakbang  upang malaman at ma-aksyunan  ang estado ng TVPL environment sa mga isyung  kinakaharap nito laban sa mga problema sa polusyon at kabuuang kalagayan ng pangisdaan.

Sa pamamagitan ng isang pagbabalik-tanaw ng mga aktibidad na naganap sa pagsasaayos ng kalagayan ng Taal Lake sa pagitan ng mga dumalong stake holders, agarang nagkaroon ng pagbuo ng mga hakbang na dapat isagawa upang epektibong mapatupad ang mga batas na naglalayong maprotektahan ang likas yaman ng lawa.

Napagdesisyunan ng lupon na magsasagawa ng isang malawakang pakikipagdayalogo at  ugnayan  sa lahat ng mga lake stakeholders upang maresolba ang mga isyu ukol sa mga illegal na mangingisda sa loob ng lawa at mga illegal na istraktura na nakalutang dito.

Hinikayat din ng lupon ang mga kinauukulan na pag-isahin na ang lahat ng mga kasalukuyang batas ng lawa upang matutukan ang iba pang isyu, tulad ng polusyon na nagmumula sa mga piggeries sa mga bayang nakapalibot sa lawa at human waste materials na inaanod pababa mula sa mga ilog at daanang tubig na karugtong nito.

Isusulong din ng lupon, sa pamamagitan ng mga lokal na mambabatas at kasapi ng House of Representatives, ang pagsusulong sa Kongreso ng paglikha ng Taal Lake Development Authority. / Edwin V. Zabarte-Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.