4th Regional Organic Agri Congress, Isinagawa sa Batangas Capitol

Batangas Provincial Jail, Nagbigay Ulat
October 1, 2018
P3 Milyon Loan Assistance Ipinaabot sa Koop Batangan
October 1, 2018

October 1, 2018

Isinagawa ang 4th Regional Organic Agriculture Congress, sa pangunguna ng Department of Agriculture Region IV-A katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Agriculturist’s Office, noong ika-28 ng Setyembre 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Naging punong abala sina DA Regional Executive Director Arnel V. De Mesa at Batangas Provincial Agriculturist Pablito A. Balantac sa Congress, na may temang “ Organic Agriculture, Advancing the Local Food Culture Movement in the Philippines.“

Bilang host sa taong ito, pinangunahan ni Governor Dodo Mandanas, katuwang ang mga kawani ng Office of the Provincial Agriculturist, na salubungin at tanggapin sa Provincial Capitol ng Batangas ang mga at participants.

Kabilang sa mga kalahok sa pagtitipon ang mga natatanging farm workers, agriculturists, farm groups, at mga outstanding municipal, provincial and regional Agriculture Focal Persons sa isinagawang Awarding Ceremonies For the Regional Organic Agriculture Achievers Award and Regional Outstanding Rural Women.

Naganap din sa pang rehiyong pagtitipong ito ang mga forum ukol sa organic agriculture practices at nagkaroon din ng mga agriculture exhibitors na nagpakita at nagbenta ng kanilang mga organikong produkto, tulad ng gulay, prutas at dairy products.

Kabilang sa mga nakiisa sa nasabing kongreso sina Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque; Atty. Regina Reyes Mandanas; Laguna Governor Ramil Hernandez; Mayor Edna P. Sanchez ng Sto. Tomas, Batangas; Mayor Leni Adao ng Kalayaan, Laguna; at si Vice Mayor Jun Berberabe ng Batangas City. ✎ Bryan Mangilin, ? Luigi Comia – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.