Batangas Provincial Jail, Nagbigay Ulat

Huwarang Pamilyang Batangueño 2018, Kinilala
September 26, 2018
4th Regional Organic Agri Congress, Isinagawa sa Batangas Capitol
October 1, 2018

October 1, 2018

Kaugnay ng patuloy na pagpapaganap ng batas sa Batangas Provincial Jail, nagbigay ng ulat ang kasalukuyang Officer – in – Charge na si Atty. Genaro S. Cabral patungkol sa mga kasalukuyang kaganapan sa panlalawigang piitan noong ika-1 ng Oktubre 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Ibinahagi ni Atty. Cabral na ang bilang ng mga detainees sa loob ng jail, hanggang Setyembre 28, 2018, ay nasa 1,628. Sa mga nasabing mga inmates, 72% dito ay nakakulong dahil sa drugs at drugs-related cases, 25% ang crimes against persons, 10% ang against chastity, 7% ang against property at 3% ay iba pang mga uri ng paglabag sa batas.

Partikular dito, mula ika- 9 ng Agosto hangang ika-28 ng Setyembre 2018, ang 122 detainees ang dumating, samantalang 261 inmates naman ang nakalabas na.

Tinalakay din ni Atty. Cabral ang pagkakaroon ng wastong oras at araw ng pagbisita para sa mga preso sa bawat celda. Binigyang-diin din niya ang mga alintuntunin patungkol sa mga ipinagbabawal sa loob ng jail tulad ng drugs, aluminum foil wrappers, lighters, deadly weapons, liquor, cellular phones, camera at cash na higit sa tatlong libong piso.

Iniulat din ng hepe ng Provincial Jail na nagkaroon kamakailan ng Oplan Galugad sa loob ng detention cell, sa tulong ng Philippine National Police Batangas Special Weapons and Tactics (SWAT) Team, kung saan may mga nakumpiskang mga ipinagbabawal na mga kagamitan at na-dismantle na mga illegal bunkers. – Shelly Umali, Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.