P3 Milyon Loan Assistance Ipinaabot sa Koop Batangan

4th Regional Organic Agri Congress, Isinagawa sa Batangas Capitol
October 1, 2018
Batangas Province Scholarship Program, Tuloy-tuloy ang Pamamahagi sa mga Estudyante
October 2, 2018

October 01, 2018

Pinagkalooban ng P3 Milyong loan assistance ang Koop Batangan Multi-Purpose Cooperative, ang kooperatiba ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, ng Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO) noong ika-isa ng Oktubre 2018 sa Provincial Auditorium, Batangas City.

Ang nasabing financial assistance ay iginawad ni Gov. Dodo Mandanas, PCLEO Dept. Head Celia Atienza at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan kina Koop Batangan MPC General Manager Dr. Amante A. Moog at Board of Directors members Rowenia Calayan at Provincial Budget Officer Victoria B. Culiat.

Planong gamitin ng nasabing organisasyon ang natanggap na ayuda sa pagpapalago ng negosyo, partikular ang loan business nito upang mas mapadami pa ang matulungang miyembro na may pangangailangang pinansyal. ? Eric Arellano ✎ Louise Mangilin – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.