Provincial Engineering Office, Nag-ulat ng mga proyekto sa Rich Batangas

Notice of Vacant Position
May 28, 2018
4 na Kawani ng PEO, Binigyang Pagkilala
June 4, 2018

June 4, 2018

Sa pangunguna ni Provincial Engineer Gilbert P. Gatdula, nag-ulat ang Batangas Provincial Engineering Office (PEO) ng kanilang mga accomplishments na kinabibilangan ng kanilang “Handog Imprastrakturang Maayos o HIM” projects sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City noong ika-4 ng Hunyo 2018.

Una sa kanyang ulat ang mga natapos at on-going provincial government projects sa iba’t-ibang mga bayan ng lalawigan, kabilang ang konstruksyon ng Farm to Market Road sa Lian at Lobo, Drainage System sa Cuenca at Taal, Box Culvert sa Tuy, at Slope Protection sa Agoncillo at Calaca Batangas.

Kasama rin sa mga proyektong ng PEO ang construction at maintenance ng mga pasilidad tulad ng Evacuation Center sa San Nicolas at Lipa City, School Building sa Tingloy, HIM type of Open Classroom para sa Taal Senior High School at Mabilog na Bundok Elementary School, Greenhouse (Phase II) at Water Facility sa Provincial Agriculturist Bolbok Batangas City at Multi-Purpose Building/Rehabilitation Center (Phase I) sa Ibaan Batangas.

Mayroon ding mga proyekto ang PEO na pinondohan ng national government agencies, tulad ng Department of Interior and Local Government – Conditional Matching Grant to Provinces (DILG CMGP) Kalsada Program para sa Road Repair, Rehabilitation and Improvement ng San Jose-San Pascual Provincial Road, Taal Poblacion – San Nicolas Provincial Road, Balete Provincial Road, at Rosario Poblacion – Taysan Poblacion – Dagatan Road.

Sa tulong naman ni Senator Loren Legarda ay may ilang mga proyekto din ang nagawa kabilang ang rehabilitation at improvement ng Tuy-Tuong Provincial Road: Mabunga-Bayawang (Rosario) Road; Batangas City – Cuenca Road; Luya Bridge sa San Luis; Mahanadiong Bridge sa Taysan; Alalum Bridge at San Mariano Bridge sa San Pascual; at, Malaruhatan Bridge sa Lian.

Bukod sa mga natapos at on-going projects ay mayroon ding mga proposed National Government Funded Projects para sa rehabilitation, improvement at upgrading ng Cuta East – Poblacion Road sa Sta.Teresita, Concreting and Improvement of San Juan and Rosario Farm to Market road at marami pang mga daan sa iba’t-ibang bayan ng Batangas. – John Derick Ilagan – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.