PHILAM Life and Accident Insurance Benefits, Ipinagkaloob sa mga Pamilya ng mga Namayapang Bantay Dagat Members sa Panahon ng Pandemya

2023 – 2025 Executive-Legislative Agenda at Capacity Development Agenda ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Pinagtibay
August 29, 2022
Patimpalak sa Makabagong Panunula 2022, Idinaos sa Kapitolyo
August 30, 2022

August 29, 2022

Ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO), at First Gen Corporation ang insurance benefits sa mga pamilya ng dalawang miyembro ng Bantay Dagat na pumanaw kaugnay ng kanilang tungkulin.

Bagamat patuloy pa ring nagdadalamhati ang mga pamilya ng mga namayapang Bantay Dagat sa panahon ng pandemya, malugod naman nilang tinanggap ang tseke na nagkakahalaga ng P50,000.00 mula sa Pamahalang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ni G. Luis A. Awitan, Pinuno ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO) at Head Secretariat ng Batangas Marine Protected Area (MPA) at Bantay Dagat Network at G. Joseph Anthony R. Javier, kinatawan ng First Gen Corporation. Ang nasabing tseke ay ipinagkaloob sa mga pamilya ng namayapang Bantay Dagat kasama ang mga Pinuno ng Municipal ENRO, Municipal Agriculture Office at Fisheries Management Office mula sa bayan ng Lian, Balayan, San Luis, Bauan at Batangas City.

Ang First Gen Corporation ay isa sa mga katuwang ng PGENRO sa pagbibigay ng insentibo sa pamamagitan ng pag-isponsor ng life and accident insurance sa mga Bantay Dagat na may edad na 18 hanggang 64, simula pa noong taong 2013 hanggang sa taong kasalukuyan. Ito ay isa lamang sa mga insentibo na pinagkakaloob sa mga Bantay Dagat bilang pasasalamat sa buong puso, tapang at hindi matatawarang dedikasyon na ginagawa para mapangalagaan ang mga MPAs at maprotektahan ang buong karagatan ng lalawigan sa kabila ng mga panganib at posibleng banta sa kanilang buhay.

Ang mga Bantay Dagat din ay mga boluntaryong mamamayan at mangingisda na kaagapay ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programa at mga gawain para sa pagpapanatili ng isang malinis, maayos at masaganang karagatan sa buong lalawigan katulong ang mga nasyunal na ahensya (NGAs), non-government organizations (NGOs), at mga pribadong samahan.

PG-ENRO – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.