1st Seniors Hope Expo Ipinagdiwang sa Lalawigan

Slipper Oyster Culture Project, Inilunsad ng Provincial Agri Office sa San Juan
September 30, 2022
Batangas Capitol Ipinagdiwang ang World Rabies Day 2022
October 2, 2022

October 2, 2022

Batangas Cares para sa mga Seniors, Itinampok

Ginanap noong October 1, 2022 sa lalawigan ang malakihang pagtitipon ng mga Senior Citizens mula sa iba’t-ibang Seniors Federation sa Lalawigan ng Batangas para ipagdiwang ang 1st Seniors Hope Expo 2022 sa Paraiso Resort, San Jose, Batangas.

Ayon kay G. Antonio “Tony” Meloto, ang kilalang founder ng kilusan para labanan ang kahirapan na Gawad Kalinga at co – Founder ng Seniors Faith Club, ang okasyon ay isang pagpapakita sa mundo na hindi hadlang ang mataas na bilang ng edad upang maging produktibong miyembro ng pamayanan at manatiling magiliw at masayang miyembro ng pamilya at kaibigan.

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga “jolly Lolo at Lola” na maipakita ang kanilang mga natatanging talento sa pag-awit at sayaw sa pamamagitan ng cultural dance presentations at ballroom dancing.

Binigyang pagkilala ng mga organizer ng Senior Hope Expo si Batangas Governor Dodo Mandanas dahil sa mga programa nitong nakatuon sa patuloy na suporta sa mga pangunahing mamamayan sa lalawigan, at, bilang miyembro ng senior citizens club, sa patuloy at walang tigil na pagsisilbi nito sa mga mamamayang Batangueño bilang isang lingkod bayan.

Naging tampok din sa okasyon ang pagpapamalas ng mga pangunahing mga produkto at kultura ng mga iba’t ibang bayan, na may matatag na programa para sa kani-kanilang mga senior citizens population.

Edwin Zabarte – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.