1st Quarter Meeting ng Provincial Nutrition Committee, Isinagawa

Barangay Health Workers Anti-Rabies Vaccination Training, Isinagawa
March 21, 2018
Men Opposed to Violence Everywhere (MOVE)
March 23, 2018

Nutrition Projects for healthier Batangueños. Kabilang ang mga kabataang, may edad 36 hanggang 71 months, sa mga nakasali sa tatlong buwan na tuloy-tuloy na feeding program sa ilang bayan ng Batangas Province, na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Health Office. Makikita sa larawan ang mga batang pinakakain mula sa mga Munisipalidad ng Lemery (kaliwa) at Balayan. Photos: PHO Nutrition Services / Batangas Capitol PIO

Dinaluhan ng mga miyembro ng Technical Working Group at Municipal Nutrition Action Officers (MNAO) ang 1st Quarter Meeting ng Provincial Nutrition Committee (PNC) noong ika-23 ng Marso, 2018 sa Provincial Health Office Conference Room, Capitol Site, Batangas City.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga naging resulta ng 2017 PNC Feeding program, kung saan ang mga benepisyaryo ay mga bata mula sa mga bayan ng Balayan, Lemery, Tuy, Lian, San Nicolas, Tanauan City, Batangas City at Lipa City. May kabuuang 1,000 katao ang sumailalim sa tatlong buwang feeding program. Sa huling pagtitimbang na isinagawa matapos ang tatlong buwang feeding program lumabas na 79.4% ang porsiyento ng kabuuang benepisyaryo na naimprove ang nutritional status kumpara noong 2016 na mayroong 64.43% sa 883 katao.

Pinag-usapan din ang tungkol sa Regional Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation  (MELLPI); Schedule at area para sa ebalwasyon at pagbabago sa datos na sinusuri ng Regional Evaluation Team (RET) pati na rin ang report sa partial result ng BNS (Barangay Nutrition Scholar) at MNAO pre-evaluation.

Nakapaloob rin sa pagpupulong ang plano para sa 2018 Nutrition Program Implementation kung saan napagkasunduan ang pagkakaroon ng Orientation on Child Growth Standard (CGS) for new/replacement MNAOs and BNS, MNAO/BNS Presidents Capability Training for the Management of Severe Acute Malnutrition (SAM), pagdaraos ng Supplementary Feeding Program sa 1,500 na identified Underweight at Severe Underweight PSC.

Nakalinya na rin ang mga aktibidad para sa Provincial Nutrition Month Celebration sa Hulyo, na may temang “Ugaliing Magtanim, Sapat na Nutrisyon ang Aanihin.” Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.