Barangay Health Workers Anti-Rabies Vaccination Training, Isinagawa

1st Quarter Meeting ng Federation of Senior Citizens Association of the Province of Batangas, Inc., Isinagawa
March 21, 2018
1st Quarter Meeting ng Provincial Nutrition Committee, Isinagawa
March 23, 2018

Nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Veterinarian, ng Free Spaying and Neutering sa bayan ng Tingloy na ika-20 at 21 ng Marso 2018. Kasabay ito ng Mass Vaccination at Anti-Rabies Vaccination Training na ginanap sa iba’t ibang bayan ng lalawigan. Photo: OPV Batangas / Batangas Capitol PIO

March 21, 2018

Nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Veterinarian, ng Free Spaying and Neutering sa bayan ng Tingloy na ika-20 at 21 ng Marso 2018. Kasabay ito ng Mass Vaccination at Anti-Rabies Vaccination Training na ginanap sa iba’t ibang bayan ng lalawigan. Photo: OPV Batangas / Batangas Capitol PIO

Kaugnay pa rin sa selebrasyon ng Rabies Awareness Month, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Veterinarian sa pangunguna ni Dr. Rommel Marasigan, ay nagsagawa ng Anti-Rabies Vaccination Training sa mga Barangay Health Workers ng bayan ng Lemery na ginanap noong ika-21 ng Marso 2018.

Ang mga nasabing health workers ay ang mga volunteers ng iba’t ibang barangay mula sa Lemery na sumailalim sa pagsasanay tungkol sa tamang pagtuturok ng mga rabies vaccine, tamang paghawak sa mga kagamitang pangbakuna, kahalagahan ng rabies vaccine at maging ang tamang paghuli sa mga alagang hayop. Ang mga ito ang magiging kinatawan ng kani-kanilang barangay para sa Bantay Rabies sa Barangay.

Ayon kay Dr. Rommel Marasigan, Provincial Veterinarian, magandang panahon ang Marso upang magsagawa ng pagbabakuna sapagkat pagsapit ng panahon ng tag-araw nagiging aktibo ang mga hayop kung kaya at mas kinakailangang mapababa ang risk ng rabies na maaaring makuha ng mga ito.

Ang mga aktibidad na ito ay alinsunod pa rin sa Republic Act 9482 “Anti-Rabies Act of 2007” na naglalayong makontrol at maalis ang rabies sa hayop maging sa tao, at pagpapataw ng penalty para sa mga hindi susunod.

Nagpabatid naman ng mensahe si Dr. Marasigan para sa lahat na makipagtulungan upang makontrol ang rabies, pagsuporta sa mga programa ng pamahalaang panlalawigan tungkol sa mga alagang hayop at ang pagsasabuhay ng responsible pet ownership. Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.