March 23, 2018
Pinangunahan ni Batangas Governor Dodo Mandanas at 6th District Senior Board Member Rowena Sombrano- Africa ang inagurasyon at panunumpa sa katungkulan ng mga bagong halal na opisyal ng Provincial Association of Men Opposed to Violence Everywhere (Batangas MOVE) na pinangungunahan ni Association President, Diosdado Macalintal (7th from right) ng Tanggapan ng Provincial Assistance for Community Development, kasama ng iba pang empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na magiging kabalikat sa pagpapakalat ng adbokasiyang labanan ang karahasan sa mga kababaihan. Ang tagpong ito ay naganap noong ika-23 ng Marso sa Batangas Provincial Auditorium kung saan ginanap ang Provincial Women’s Month Celebration, na may temang “We make Change Work for Women,” para sa taong 2018. / Batangas Capitol PIO Edwin V. Zabarte