151 Blood Donors, Nakiisa sa Batangas Blood Council Drive sa Balayan

Gov. Dodo, Provincial Health Team Dumalo sa Bayang Malusog Provincial Leadership Development Program
July 28, 2023
Natatanging mga PWD Individuals, Samahan Kinilala sa Batangan Mabini Awards 2023
July 28, 2023

July 28, 2023

Higit 151 volunteers ang nakiisa sa isinagawang blood donation drive sa Bayan ng Balayan noong ika-25 ng Hulyo 2023 kaugnay sa obserbasyon ng National Blood Donor’s Month ngayong buwan ng Hulyo.

Nanguna sa aktibidad ang Pamahalaang Bayan ng Balayan, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Health Office; Batangas Blood Council; at Batangas Medical Center.

Naging kaagapay rin sa programa ang Department of Health CALABARZON, Bureau of Jail Management and Penology, Philippine National Police, at mga non-government agencies.

Ayon kay Ginang Leslee Ellao Fronda, asawa ni Balayan Mayor Emmanuel Fronda, Jr. at president ng samahan ng mga kababaihan sa nasabing bayan, palagi nilang ginagawa ang ganitong mga aktibidad, at regular din siyang nagdo-donate ng dugo upang makatulong sa mga nangangailangan. Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa mga naging kabahagi ng aktibidad, at ipinaalala na maganda rin ang pagbibigay ng dugo sa kalusugan.

Kuwento naman ni Konsehal Joebert Mapalad, ang Balayan ay may kaugnay na proyekto na tinatawag na “Balayanihan.” Dito ipinatutupad ang “Dugo mong Alay, Balayani Kang Tunay,” kung saan, sa boluntaryong pagbibigay ng dugo, ang isang taga Balayan ay matataguriang Balayani o Balagueñong Bayani dahil malaking tulong ang gawaing ito sa pagsagip ng buhay ng kapwa at pagpapalakas ng katawan ng volunteer.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Konsehal Raymund de la Vega, chairman ng Komite ng Pagkalusugan ng Sangguniang Bayan ng Balayan, kay Governor DoDo Mandanas sa suporta at tulong nito na maisakatuparan ang blood donation drive. Aniya, ang adbokasiya ay ginagawa nila taon-taon at isinabatas bilang ordinasa upang maging tuloy-tuloy ang pagpapatupad para sa mga nangangailangang mga Balagueño.

“Umaraw man o bumagyo, ang blood donation drive ay maaasahan ninyo,” ayon kina Dr. Josephine Gutierrez ng PHO at Batangas Blood Council Program Manager Arlene Barroga Bucal, na patunay sa puspusang pagkilos ng mga Batangueno para sa mga kababayang nangangailangan ng tulong at suportang pangkalusugan.

Millicent Ramos – Batangas Capitol PIO
Photo by: Karl Ambida

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.