Gov. Dodo, Provincial Health Team Dumalo sa Bayang Malusog Provincial Leadership Development Program

Invitation to Bid – Infra (August 16, 2023)
July 28, 2023
151 Blood Donors, Nakiisa sa Batangas Blood Council Drive sa Balayan
July 28, 2023

July 28, 2023

Personal na pinangunahan ni Governor DoDo Mandanas ang delegasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na dumalo sa Bayang Malusog-Provincial Leadership Development Program to Accelerate Universal Health Care (UHC) Training na isinasagawa mula July 26 hanggang 28, 2023 sa New Coast Hotel, Manila.

Kabilang ang mga kinatawan ng Batangas Capitol sa first module ng nasabing pagsasanay na nakatuon sa mga gobernador, provincial health officers at provincial health team na nangunguna sa pagpapatupad ng UHC sa bawat lalawigan ng Pilipinas.

Ipinakikilala at itinuturo dito ang Kotter’s Management Model, isang proseso na nakadisenyo upang makatulong sa matagumpay na pagpapatupad ng organizational change, partikular kapag napakahalaga ng pagbabagong kinakailangan na dapat maisakatuparan ito ng agaran.

Nagkaroon naman ng pagkakataon na magbahagi si Gov. Mandanas tungkol sa kahalagahan ng Mandanas-Garcia Ruling sa maayos at epektibong pagpapatupad ng UHC dahil sa karagdagang pondo na matatanggap ng mga pamahalaang lokal.

Kabilang sa mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan na dumalo sa national training sina Provincial Budget Officer Vicky Culiat, Provincial Accountant Marites Castillo, Provincial Health Office Assistant Department Head, Dr. Rosalie Masangkay, Internal Audit Head, Atty. JR Macasaet, at Atty. Sara Sulit ng Tanggapan ng Gobernador.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.