Vice Gov. Mark: Magkaisa tayo para sa Probinsya, sa pagbabalik Kapitolyo

Inter-Agency Convergence meeting ng Rural Dev’t. Program sa Batangas, isinagawa sa Kapitolyo
July 8, 2019
BSU Arasof Nasugbu honor graduates, kinilala ng Batangas Capitol
July 8, 2019

July 8, 2019

Isang linggo matapos manumpa at pormal na magbalik bilang bise gobernador ng Lalawigan ng Batangas, nagkaroon nang pagkakataon si Vice Governor Mark Leviste na maibahagi ang kaniyang bisyon para sa ika-10 Sangguniang Panlalawigan ng Batangas upang higit na makatulong sa lalawigan at mga kababayan.

Binigyang-diin ni Vice Governor Leviste ang kaniyang hangaring pag-isahin at patatagin ang Sangguniang Panlalawigan upang maging kaisa sa pagpapalawig at pagpapatupad ng mga programa para sa lalawigan sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas.

Ayon sa bise gobernador, bilang isang lider na nangangarap na muling makabalik sa Kapitolyo upang maghatid ng serbisyo publiko, higit niyang naunawaan at naging malinaw aniya sa kaniya na napakaganda at napakalawak ng mga plano ng gobernador para sa probinsya sa kaniyang pagsama kay Gov. Mandanas noong panahon ng eleksyon.

Bukod pa rito, handa umano si Vice Governor Leviste na harapin ang mga pagsubok sa layuning magkaroon ng isang malaya at demokratikong sangay ng lehislatura, na nagkakaisa at matatag, katulong ang lahat ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.

Samantala, taos-pusong pinasalamatan naman ng bise gobernador ang lahat ng mga sumuporta sa kaniya matapos makakuha ng pangatlo sa pinakamataas na boto sa buong Pilipinas, na mahigit sa 800,000, nitong nakaraang halalan para sa nasabing posisyon. Matatandaan na si Governor Mandanas ang nakakuha ng pinakamaraming boto, na halos 1.1 milyon, kumpara sa lahat ng mga tumakbong gobernador sa buong bansa. – Mark Jonathan M. Macaraig, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.