BSU Arasof Nasugbu honor graduates, kinilala ng Batangas Capitol

Vice Gov. Mark: Magkaisa tayo para sa Probinsya, sa pagbabalik Kapitolyo
July 8, 2019
Notice of Vacant Position
July 8, 2019

July 8, 2019

Ayon sa isang kasabihan, ang kayamanan ng isang bayan ay nasa sa mga iskolar nito. Muli itong pinatunayan ng mga kabataang Batangueño, na naging bahagi ng tuloy-tuloy na pagbibigay pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Batangas Governor DoDo Mandanas, sa mga natatanging mamamayan noong ika 8- Hulyo taong 2019 sa Provincial Auditorium Capitol compound Batangas City.

Ang pinakahuling batch ng mga Batangueño honor students, na nakatanggap ng Sertipiko ng Pagkilala, medalya at cash incentive mula sa pamahalaang panlalawigan, ay binubuo ng 27 graduates mula sa Batangas State University – ARASOF Campus sa Nasugbu, Batangas.

Pinangunahan ni Vice Governor Mark Leviste, kasama sina First District Board Member Glenda Bausas at Board Member Junjun Rosales, ang pagbibigay ng recognition sa 23 nagsipagtapos, bilang Cum Laude, ng mga kursong BS Business Administration- Financial Management, BS Criminology, BS Psychology, BS Tourism Management, BS Secondary Education, at BS Computer Engineering. Apat naman sa mga ito Magna Cum Laude awardees, na nag-aral ng mga kursong BS Business Administration-Financial Management at BS Accountancy.- Mon Antonio A. Carag III, Batangas PIO; Photo: Junjun De Chavez

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.