Rabbies Vaccine Supply sa Lalawigan Sinugurado

Unang Sr. HS Graduation ng BPHSCA idinaos sa Kapitolyo
April 4, 2018
Underwater Photo Exhibit 2018, Binuksan sa Provincial Tourism Building
April 5, 2018

April 5,  2018

Patuloy na isinasagawa  ng Batangas Provincial Health Office at Provincial Veterinary Office ang pinaigting na adbokasiya laban sa rabies, matapos magpulong ang Batangas Provincial Rabies Technical Committee  upang  talakayin ang ilang mahahalagang paksa kaugnay ng kasalukuyang Rabies Control and Prevention program at ang nagbabadiyang kakulangan sa rabies vaccine hindi lamang sa lalawigan kundi sa buong bansa.

Ang pulong ay naganap noong ika-4 ng Abril 2018 sa Provincial Health Office Conference Center kung saan ibinahagi ng Department of Health Region IV –A  na kinakatawan ng itinalagang Regional Coordinator for Rabies  for CALABARZON,  Mr. Jomel Mojica, ang mahahalagang guidelines sa pagbibigay ng rabies vaccine sa mga biktima ng animal bites para sa taong ito.

Binigyang-linaw ni Mojica na ang napipintong kakulangan sa rabies vaccine sa bansa ay hindi dahil sa kakulangan sa  pondo ng DOH kundi nagkukulang ang produksyon ng mga lisensyadong international pharmaceutical companies sa paggawa ng mga rabies vaccine dahilan sa mataas na bilang ng mga insidente ng animal bites sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.

Sa datos na ibinahagi ng DOH, pumapangatlo ang Region IV-A sa buong bansa na nakapagtala ng mga animal bite cases noong 2017.  Sa tala ng  Provincial Health Office, umabot sa bilang na 31,173 animal bite cases ang naitala sa kabuuan ng nakarang taon sa lalawigan pa lamang ng Batangas.

Ayon kay Dr. Josephine Gutierrez ng Batangas Rabies Technical Working Committee, ang pagtaas ng bilang ay bunsod na rin na isinasagawang information campaign sa lalawigan kaya batid na ng publiko na di pwedeng balewalain ang mga insidente ng kagat, kalmot o anumang sugat na dahilan ng interaksyon sa mga alagang hayop.

Ang insidente ng pagkakagat ay agarang nabibigyang lunas,  naitatala at naiuulat sa pamamagitan ng mga Animal Bite Treatment Centers (ABTC) sa mga hospital at sa mga strategically located ABTC  sa kabuuan ng lalawigan.

Nakatakdang magpadala  ng Nataional Guidelines for Vaccination ang DOH sa oras na ipalabas ng ahensya ang listahan ng  epektibong rabies vaccines na dumaan sa kanilang masusing pag-aaral mula sa iba’t-ibang mga pharmaceutical companies  na pansamantalang magtutustos ng kakulangan sa bakuna.

Sa kasalukuyan, may sapat pang vaccine ang Provincial Health Office sa imbentaryo nito na makakapagbakuna sa naitatalang may 30-40 average bite cases bawat linggo.  At sa oras na maging opisyal na ang mga listahan ng Department of Health para sa mga puwedeng pamalit na rabies vaccines, inaasahang babalik na sa normal ang supply ng bakuna at masisigurong may tuloy tuloy na supply ito sa kabuuan ng 2018. Batangas PIO: Edwin V. Zabarte

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.