Unang Sr. HS Graduation ng BPHSCA idinaos sa Kapitolyo

Provincial Agriculture Office’s Good Agricultural Practices on Vegetable Production, Isasagawa
April 3, 2018
Rabbies Vaccine Supply sa Lalawigan Sinugurado
April 5, 2018

Handa sa Hamon ng Buhay. Nanumpa ng katapatan sa kanilang paaralan, kaharap si Batangas Gov. Dodo Mandanas, ang mga nagsipagtapos na senior high school students ng Batangas Province High School for Culture and Arts sa graduation rites na ginanap sa Provincial Auditorium, Batangas City noong ika-4 ng Abril 2018. Ang BPHSCA, na naitatag sa pamamagitan ni Gov. Mandanas noong 2002, ay nagbibigay ng scholarships sa mga kabataang Batangueño na nakatuon sa kultura at sining. Vince Altar - Photo: Jhay jhay Pascua - Batangas Capitol PIO

April 4, 2018

Handa sa Hamon ng Buhay. Nanumpa ng katapatan sa kanilang paaralan, kaharap si Batangas Gov. Dodo Mandanas, ang mga nagsipagtapos na senior high school students ng Batangas Province High School for Culture and Arts sa graduation rites na ginanap sa Provincial Auditorium, Batangas City noong ika-4 ng Abril 2018. Ang BPHSCA, na naitatag sa pamamagitan ni Gov. Mandanas noong 2002, ay nagbibigay ng scholarships sa mga kabataang Batangueño na nakatuon sa kultura at sining. Vince Altar – Photo: Jhay jhay Pascua – Batangas Capitol PIO

Isinagawa ang kauna-unahang pagtatapos ng Batangas Province High School for Culture and Arts (BPHSCA) para sa mga Senior High School students noong ika-4 ng Abril 2018 na ginanap sa Batangas Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City, na may temang “Mag-aaral ng K to 12: Handa sa Hamon ng Buhay.”

Sa mensahe ni Ginoong Virgillo P. Cuizon, panauhing tagapagsalita at Manager ng Kuntshaus, Philippines o Museum of Art ng Switzerland sa Pilipinas, sinabi niya na ang art ay disiplina at professionalism. Binigyang-diin din niya na ang kahirapan ay hindi hadlang upang makatapos ng pag-aaral ang isang tao at ang kapalaran ay hindi hinihintay sapagkat ito ay ginagawa at pinagtatrabahuhan. Dagdag pa nito, kailangan maging confident ang bawat mag-aaral sa lahat ng kanilang ginagawa upang magtagumpay sa buhay.

Ilan naman sa mga mag-aaral ng paaralang ito na magtutuloy sa kolehiyo ay kukuha ng kurso na nakalinya sa kanilang kinabibilangang specialization. Ang limang specialization na binibigyang-diin at paglinang ng nasabing paaralan sa Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City ay ang Dance, Theatre, Music, Visual Arts at Creative writing.

Sa mensahe ni Gov. Dodo Mandanas, inihayag niya na dapat maging halimbawa ng pagtataas ng antas ng pag-aaral ang mga mag-aaral ng paaralang ito. Binanggit din niya ang pagkakaroon ng Educational Assistance ng mga mag-aaral sa kahit anong paaralan na gusto nilang pasukan basta nagtapos ang mga ito sa BPHSCA. Isa pa, sinabi rin niya na ang mga mag-aaral na ito ang magiging batayan kung gaano kagaling ang mga graduate sa BPHSCA, isang paaralang itinatag noong June 2002, sinusuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at nagbibigay ng scholarships sa mga kabataang Batangueño na nakatuon sa kultura at sining.

Nagbigay naman ng tribute sa kanilang mga magulang sa pamamagitan ng pagbibigay ng mensahe gamit ang audio visual presentation ang bawat isa sa 46 na mga mag-aaral na nagsipagtapos. Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.