Pre-Marriage Counselling ng samahan ng Local Social Welfare and Development Officers, isinagawa

Dental Health Services sa mga Batangueño, tuloy-tuloy
February 27, 2019
Batangas Province History booklets, ipinamahagi
February 28, 2019

February 27, 2019

Kabalikat ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), isinagawa ng Association of Local Social Welfare and Development Officers (ALSWDOPI) Batangas Chapter ang “Pre-Marriage Counselling” noong ika-26 hanggang ika-28 ng Pebrero 2019 sa Dalubhasaan Building, Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas.

Kabilang sa mga dumalo sa nabanggit na orientation ang mga opisyal ng Municipal Social Welfare and Development Offices at Local Civil Registrar’s Offices mula sa mga pamahalaang lokal ng Lalawigan ng Batangas, kasama ang mga tauhan ng Rural Health Units at Department of Agriculture.

Ibinahagi ng mga tagapagsalita, na sina Mrs. Josephine L. Santos at Ms. Charmaine E. Sarabia ng Population Commission Office at Mrs. Remalyn J. Rosales at Mrs. Guadalupe del Moro ng DSWD Regiona-4A, ang kanilang kaalaman tungkol sa iba’t ibang mga sitwasyon na kinakaharap sa pag-aasawa.

Binigyang-diin ang kahalagahan ng “Pre-Marriage Counseling” upang maihanda ang mga magkasintahan bago ang kanilang pag-iisang dibdib. Bago makuha ang lisensya ng kasal mula sa kanilang Local Government Units (LGU), kinakailangan munang dumalo at makilahok ang mga magpapakasal sa nabanggit na orientation, lalo na sa panahon ngayon na naglalabasan iba’t ibang problema pagdating sa pamilya dahil sex, relihiyon, at iba pang isyung panlipunan.

✎ Trizia Joy P. Canosa – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.