Motion for Finality of Judgement, inihain ni Gov. Mandanas para sa IRA petition

Ika-8 Bantayog Wika sa Pilipinas, Pinasinayaan sa Lalawigan ng Batangas
August 24, 2018
Notice of Vacant Position
August 29, 2018

Finality of Judgement sa IRA Increase. Personal na inihain ni Batangas Gov. Hermilando I. Mandanas ang Motion for Entry of Finality of Judgement noong ika-28 ng Agosto 2018 sa Supreme Court Building sa Padre Faura, Ermita, Manila para sa IRA petition na nauna nang kinatigan ng Supreme Court. Batangas Capitol PIO

August 29, 2018

Finality of Judgement sa IRA Increase. Personal na inihain ni Batangas Gov. Hermilando I. Mandanas ang Motion for Entry of Finality of Judgement noong ika-28 ng Agosto 2018 sa Supreme Court Building sa Padre Faura, Ermita, Manila para sa IRA petition na nauna nang kinatigan ng Supreme Court. Batangas Capitol PIO

Naghain ng mosyon si Batangas Gov. Hermilando I. Mandanas para magkaroon na ng Entry of Finality of Judgement ang desisyon ng Supreme Court na sumasang-ayon sa consolidated petition na iginiit na ang “just share” o Internal Revenue Allotment (IRA) na natatanggap ng mga local government units (LGU), ayon sa 1987 Constitution, ay dapat nanggagaling sa lahat ng national taxes at hindi lamang mula sa National Internal Revenue taxes na kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ang mosyon ay isinumite ng mga petitioner matapos maghain ng Motion for Reconsideration ang national government, sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General, para lamang sa desisyon sa petisyong nakapaloob sa G.R. No. 208488 na ipinalabas ng SC noong Hulyo 26 .

Nakasaad sa motion ng mga petitioners na inihain sa Supreme Court En Banc noong ika-28 ng Agosto 2018, na dahil dito, ang desisyon ng Korte Suprema, partikular ang nakasaad sa paragraph 2 ng Dispositive portion nito na sumasang-ayon sa Petisyon sa G.R. No. 199802 patungkol sa pagsasama sa National Internal Revenue Taxes na nakokolekta ng Bureau of Customs sa bahagi ng mga buwis kung saan dapat kinukuha ang “just share” o IRA ay nagkaroon na ng Finality o dapat nang ipatupad.

Matapos ang huling araw (Agosto 10, 2018) na nakatakda upang mag-sumite ng Motion for Reconsideration ang pamahalaang nasyunal, wala nang natanggap na karagdagang mosyon mula sa mga respondents na kumukwestyon sa pagsasama ng NIRT mula sa BoC sa tax base.

Ayon sa Batangas governor, tinatayang madaragdagan ng P250 bilyon sa taong 2019 ang IRA ng LGUs. Binigyang-diin din niyang isa itong makabuluhang hakbang patungo sa isang tunay na local autonomy kung saan ang mga serbisyong ipinasa na sa mga LGUs ay mapaglalaanan na ng pondo.

Sa kanyang liham kay Pangulong Rodrigo Duterte, ipinaala ni Gov. Mandanas na kagaya ng napagtalakayan nila na ang mga basic services ay ibinigay sa mga LGUs para sa implementasyon subalit ang malaking bahagi ng pondo ay naiwan sa pamahalaang nasyunal. Ang SC decision na ito ay ambag upang maisaayos ang kakulangan sa pagpapatupad ng awtonomiya na nakapaloob sa Local Government Code. Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.