Ika-8 Bantayog Wika sa Pilipinas, Pinasinayaan sa Lalawigan ng Batangas

Bagong Surgery Building ng Batangas Medical Center, Pinasinayaan
August 24, 2018
Motion for Finality of Judgement, inihain ni Gov. Mandanas para sa IRA petition
August 29, 2018

Bantayog Wika sa Batangas. Binasbasan ni Fr. Daks Ramos ang Bantayog-Wika, ang monumentong gawa sa stainless steel at hugis ng kawayan na 10 feet ang taas at nilikha ng iskultor na si Luis "Junyee" Yee Jr. Makikita rin sa larawan sa okasyon ng pagpapasinaya sa monumento sina Batangas Gov. Dodo Mandanas, Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) Commissioner Purificacion Delima at Provincial Tourism Officer, Atty. Sylvia Marasigan, sa Laurel Park, Capitol Compound, Batangas City noong ika-23 ng Agosto 2018. Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

August 24, 2018

Bantayog Wika sa Batangas. Binasbasan ni Fr. Daks Ramos ang Bantayog-Wika, ang monumentong gawa sa stainless steel at hugis ng kawayan na 10 feet ang taas at nilikha ng iskultor na si Luis “Junyee” Yee Jr. Makikita rin sa larawan sa okasyon ng pagpapasinaya sa monumento sina Batangas Gov. Dodo Mandanas, Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) Commissioner Purificacion Delima at Provincial Tourism Officer, Atty. Sylvia Marasigan, sa Laurel Park, Capitol Compound, Batangas City noong ika-23 ng Agosto 2018. Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Matapos ang ilang buwang preparasyon, pinasinayaan ang Bantayog-Wika sa Liwasang Laurel, Provincial Capitol Compound, Batangas City noong ika-23 ng Agosto 2018.

Ang nasabing Bantayog-Wika ay gawa sa stainless steel sa hugis ng kawayan na 10 feet ang taas at nilikha ng iskultor na si Luis “Junyee” Yee Jr. Mga talata mula sa panulat ni Andres Bonifacio na “Pag-ibig sa Tinubuang Bayan” ang nakaukit sa katawan ng language marker.

Ang pang-walong Bantayog-Wika sa buong Pilipinas ay pormal na pinasinayaan ng mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gobernador Hermilando Mandanas, kasama ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) Commissioner Purificacion Delima, na kumakatawan sa National Artist for Literature at National Commission for Culture and Arts at KWF chairperson na si Virgilio Almario.

Naisakatuparan din ang nasabing proyekto sa pakikipagtulungan ni Atty. Sylvia Marasigan, ang puno ng Tanggapan ng Panlalawigang Turismo, Kultura at Sining.

Ang Bantayog-Wika ay isang panukalang gawain na pinangungunahan ni Senadora Loren Legarda at ng KWF na naglalayong isamonumento ang mga katutubong wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng pisikal na istrakturang sasagisag sa halaga ng wikang katutubo bilang baul ng yaman ng katutubong kaalaman, halaga, gawi, tradisyon at kasaysayan ng mga Pilipino.

Ang Tagalog ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas na kung saan ang pambansang wika ay nakabatay. Ito ay ginagamit ng mga residente ng Aurora, Bataan, Batangas, Bulacan, Camarines Norte, Cavite, Laguna, Marinduque, Mindoro, National Capital Region, Nueva Ecija, Palawan , Quezon, Rizal at Zambales.

Ang pitong naunang mga Bantayog-Wika na binuksan sa publiko sa taong ito ay matatagpuan sa Antique, Ifugao, Davao Oriental, Kalinga, Occidental Mindoro, Bukidnon at Bataan – na lahat ay dinisenyo at nilikha ni Yee. Ayon sa tanggapan ni Sen. Legarda at KWF, magtatayo din nga marker sa 175 pang mga katutubong komunidad sa buong bansa. Mayen Maneja – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.