Mga kabataan ng Bahay Pag-asa, sumasailalim sa Training on Bread and Pastry Production

Kauna-unahang Selebrasyon ng Women with Disability sa Lalawigan ng Batangas, Idinaos
April 23, 2018
Provincial Solid Waste Management Board Meeting, Isinagawa sa Kapitolyo
April 25, 2018

April 23, 2018

Kasalukuyang sumasailalim ang mga kabataan ng Bahay Pag-asa ng pagsasanay sa Bread and Pastry Production, na bahagi ng hangaring mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga ito upang magkaroon ng maayos na hanapbuhay at pagkakakitaan.

Mula ika-23 ng Abril hanggang ika-10 ng Mayo 2018, isinasagawa ang nasabing proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), sa Bahay Pag-asa Conference Room, Bolbok, Batangas City.

Ang Bahay Pag-asa ng Batangas Capitol ay isang institusyon na itinayo, pinondohan, at pinamamahalaan ng provincial government, sa pamamagitan ng PSWDO, at kabalikat ang mga licensed o accredited na nongovernment organizations (NGO). Ito ang nagsisilbing pansamantalang tahanan para sa Children in Conflict with the Law o mga kabataang may mga kinakaharap na mga kaso, na may edad na 15 hanggang 18 taong gulang. Ang mga kabataang ito ay naghihintay na mapawalang sala sa kanilang mga kaso o di kaya ay mailipat sa ibang ahensya o jurisdiction.

Ang pagsasanay na ito ay nilahukan ng 25 mga kabataan, na kaugnay pa rin ng adhikaing ng pamahalaang panlalawigan, sa patnubay ni Gov. Dodo Mandanas, na mabigyan sila ng sapat na pangangalaga at gabay upang hindi na sila muling maligaw ng landas at magkaroon ng panibagong pag-asa sa buhay.

Sponsored ng TESDA ang nasabing aktibidad, kung saan sa loob ng 18 araw na pagsasanay, matutunan nila ang magluto at gumawa ng tinapay at pastries. – Kimzel Joy T. Delen – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.