Kauna-unahang Selebrasyon ng Women with Disability sa Lalawigan ng Batangas, Idinaos

April 18, 2018
Mga kabataan ng Bahay Pag-asa, sumasailalim sa Training on Bread and Pastry Production
April 23, 2018

April 23, 2018

Upang palakasin at iangat ang sektor ng mga kababaihang may kapansanan, idinaos ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO)  at Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) ang kauna-unahang selebrasyon ng Women with Disabilities noong ika-24 ng Abril 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Ang nasabing selebrasyon ay may temang “Babaeng may kapansanan, manguna at manindigan tungo sa pagbabago.”

Bilang bahagi ng programa, nagbigay ng mensahe sina Ms. Hildegonda Del Mundo, President ng Provincial Federation of Women with Disabilities kung saan hinikayat niya ang mga kapwa niya may kapansanan na ipaglaban ang kanilang mga karapatan; Ms. Jocelyn Montalbo, Department Head ng PSWDO, na nag-ulat ng kanilang mga proyekto para sa mga kababaihan na may kapansanan; at Batangas 5th District Board Member Claudette Ambida – Alday, Chairperson ng Committee on Persons with Disabilities, na nagbahagi ng iminungkahi niyang ordinansa para sa mga may kapansanan kung saan kalakip nito ang pagbibigay ng scholarship at assistance sa mga Persons with Disabilities (PWD) o kanilang mga anak, pagre-require sa mga malalaking kompanya na tumanggap ng mga empleyado na PWD at pagbibigay ng libreng Philhealth.

Samantala, kaugnay pa din ng selebrasyon, nagsagawa ang Provincial Health Office ng libreng Pap Smear para sa mga kababaihang may kapansanan mula sa iba’t ibang munisipalidad. Mayroong kabuuang 19 ang nagpapap smear mula sa mga dumalo sa aktibidad.

Nagkaroon din ng forum tungkol sa karapatan ng mga women with disabilities na pinangunahan ng panauhin na si Ms. Virginia Rabino, Admin Aide VI ng National Commission on Disability Affairs (NCDA). – Kimzel Joy T. Delen – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.