Mga Batangueño, top sa Master Electrician Board Exam, medalist sa math competition

Sigaw laban sa Rabies: Vaccinate to Eliminate!
September 30, 2019
154th Birth Anniversary ni General Malvar, ipinagdiwang
September 30, 2019

September 30, 2019

Muling nagbigay ng parangal ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, sa mga estudyanteng Batangueño na nagpamalas ng galing at talino noong ika-20 ng Setyembre 2019 sa Bulwagang Batangan, Capitol Compound, Batangas City.

Binigyang parangal si Carlo L. Padilla, mula sa Lungsod ng Lipa, na naging Top 1 sa Board Examination para sa Registered Master Electricians. Ang Batangas State University graduate ay nakakuha ng rating na 94% nitong sa board exam nitong Setyembre 2019.

Kinilala rin si Erika Bianca D. Magbojos ng Sta. Rita Karsada, Batangas City matapos itong manalo ng Bronze Award sa Pan-Asia Pacific International Mathematics Invitational Competition 2019, na ginanap sa Xian, China noong July 26-30, 2019.

Nakatanggap sina Padilla at Magbojos ng plake, na may kalakip na cash incentives.

Bahagi ang aktibidad ng patuloy na pagbibigay pagpapahalaga ng Kapitolyo sa mga kabataang Batangueño, na laging ipinagmamalaki ni Gov. Mandanas na mga yaman ng lalawigan.

Grace Briones – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.