Sigaw laban sa Rabies: Vaccinate to Eliminate!

2020-2022 Executive Legislative Agenda, binalangkas ng Batangas Capitol
September 27, 2019
Mga Batangueño, top sa Master Electrician Board Exam, medalist sa math competition
September 30, 2019

September 30 , 2019

World Rabies Day 2019. Ilan sa mga Fur Parents na nakilahok sa Dog Walk and Fun Match sa 2019 World Rabies Day Celebration noong ika-27 ng Setyembre 2019 sa Capitol Compound, Batangas City, na ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangungunana ng Office of the Provincial Veterinarian at pakikipagtulungan ng Provincial Health Office. Photos: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

Ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangungunana ng Office of the Provincial Veterinarian at pakikipagtulungan ng Provincial Health Office, ang 2019 World Rabies Day Celebration, na may temang “Vaccinate to Eliminate Rabies,” noong ika-27 ng Setyembre 2019 sa Capitol Compound, Batangas City.

Ilang mga aktibidad ang ginanap sa Provincial Capitol, kabilang ang Dog Walk and Fun Match para sa mga tinaguriang Fur Parents, na layong mahikayat ang publiko na maging responsible pet owners na nagbibigay ng wastong pag-aalaga at pagmamahal sa kanilang mga alagang aso.

Sinundan ito ng pasiklaban ng alam sa Rabies Quiz Bee Contest Finals para sa mga Senior High School students, na kinatawan ang bawat Batangas Educational District.

Ang mga mag-aaral ay sumailalim sa serye ng mga katunungan upang masukat ang kanilang kaalaman ukol sa pagiging ligtas sa rabies, na ngayon ay kabilang na sa school curriculum.

Nanguna at tinanghal na champion si Yvone Uniss T. Malabanan ng Calubcub National High School, San Juan; at sinundan nina 2nd placer Chrystel Jayne M. Hernandez ng Sta. Monica National High School, San Luis, at 3rd place finisher na si Shiela Mae B. Julaton ng Bayorbor National High School, Mataas na Kahoy.

Pinangunahan ni Governor Mandanas ang pagbibigay ng pagkilala sa mga nagsipagwagi sa mga patimplak, kabilang ang mga nanalo sa Information and Educational Campaign (IEC) Materials Contest, at mga nahirang na Best Anti-Rabies Program implementers mula sa mga local government units (LGU), local health units ng mga bayan, at kabalikat na mga institusyon.

Sa hanay naman ng mga lokal na pamahalaan, tinaguriang Best LGU Implementer ang City of Santo Tomas, na sinundan ng bayan ng Talisay at San Jose; Best Performing Animal Bite Center (ABTC) ang Cuenca ABTC, habang pumangalawa at pumangatlo, ayon sa pagkakasunod, ang Calatagan at Tanauan City ABTC; Best Municipality in Rabies Advocacies and IEC ang Talisay; Best LGU in Vaccination Coverage ang Cuenca; Best in Barangay Animal Health Worker (BAHW) Group ang Talisay BAHW; Best Barangay Rabies Program Implementer ang Barangay Labac ng Cuenca; at, hinirang na Best IEC material ang nailathala ng Cuenca.

Edwin v Zabarte – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.