Joint Full Meeting ng Batangas Tourism Council at Batangas Culture and Arts Council, idinaos

Solusyon sa Traffic, pinagtuunan sa Batangas Transport and Traffic Summit
October 11, 2019
INC Inter-active Media Roadshow, isinagawa sa Lungsod ng Lipa
October 13, 2019

October 11, 2019

Nagtipon ang mga haligi ng turismo, kultura at sining sa Lalawigan ng Batangas sa idinaos na Joint Full Meeting ng Batangas Tourism Council (BTC) at Batangas Culture and Arts Council (BCAC) noong October 10, 2019 sa Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) Conference Room, Capitol Compound, Batangas City.

Pinamunuan ang pagpupulong ni BTC at BCAC chairperson, Gov. DoDo Mandanas, katuwang si Vice Gov. Mark Leviste, ang chairperson ng Sangguniang Panlalawigan Committee on Tourism, Culture and Arts.

Naging pangunahing paksa sa pagtitipon ang mga accomplishments ng dalawang konseho at action plans para sa 438th Foundation Celebration ng Batangas Province. Pinagtalakayan din dito ang mga guidelines para sa mga gaganaping festivals sa lalawigan.

Samantala, binigyang-diin ni Gov. Mandanas sa kanyang mensahe ang lalo pang lumalagong tourism industry sa lalawigan, na kamakailan lamang ay pinangalanan bilang Top 3 sa mga lugar na binisita ng mga turista sa buong Pilipinas noong 2018.

Aniya, malaki ang naitutulong ng Faith tourism sa lalawigan, at higit pa umanong dadami ang turista sa Batangas sa pamamagitan ng patuloy na pagsusulong ng promotion ng iba’t ibang tourist attractions dito, na pinasimulan na sa pagpapalabas sa mga electronic billboards sa Kalakhang Maynila, tampok ang mga atraksyon sa lalawigan, katulong ang Star Tollway Corporation.

Pinasalamatan naman ni Gov. Mandanas ang PTCAO, na pinangungunahan ni Atty. Sylvia Marasigan, sa patuloy nitong pagtataguyod sa tourism, culture and arts sa lalawigan, at pagpapatupad ng maayos na programa at mga proyekto na malaki ang kontribusyon sa patuloy na pagyabong ng nasabing industriya sa Batangas.

Marinela Jade Maneja, Photo: Eric Arellano – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.