Solusyon sa Traffic, pinagtuunan sa Batangas Transport and Traffic Summit

Batangas Joint Full Council Meet, nakasentro sa disaster readiness, crime and drug prevention, peace and development
October 10, 2019
Joint Full Meeting ng Batangas Tourism Council at Batangas Culture and Arts Council, idinaos
October 11, 2019

October 11, 2019

Traffic solution ‘tungo sa Rich Batangas. Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang 1st Transport and Traffic Summit sa Lalawigan ng Batangas noong October 4, 2019 na ginanap sa DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City. Pinangunahan ito ni Col. Chito Malapitan, at dinaluhan nina 5th District Board Member Arthur Blanco, ang may-akda ng Provincial Ordinance No. 008 o mas kilala bilang Batangas Transportation Usage Code, Vice Gov. Mark Leviste, 2nd District BM Wilson Rivera, Philippine National Police – Batangas, at iba pang mga stakeholders. Photos: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Inorganisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang kauna-unahang Transport and Traffic Summit sa Lalawigan ng Batangas noong October 4, 2019 na ginanap sa DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City.

Ipinaliwanag ni 5th District Board Member Arthur Blanco, ang may-akda ng Provincial Ordinance No. 008 o mas kilala bilang Batangas Transportation Usage Code, sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong mga samahan ang mga lokal na batas na inaasahang magiging solusyon sa traffic. Dagdag pa ni BM Blanco na ang sinumang lalabag sa batas trapiko ay agad na huhulihin.

Sa kanyang mensahe, nabanggit naman ni Vice Governor Mark Leviste na natural ang problema sa traffic kapag umuunlad ang isang bayan, kung kaya at kinakailangan aniya ang maayos na implementasyon ng mga batas, katuwang ang mga national government agencies, tulad ng Land Transportation Office.

Ayon kay Colonel Aniceto S. Malapitan, OIC ng Provincial Transport & Traffic Management Office, kabilang sa adhikain ng summit ang makakuha ng mga inputs kaugnay sa isinasagawang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Provincial Ordinance No. 008.

Inaasahang matatapos ang IRR, kabilang ang mga parusa at multa, bago matapos ang taong ito.

Francis Carlo L. Japor, Photos: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.