Ikatlong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bahay Pag-asa, Ipinagdiwang!

Serbisyong Pangkalusugan hatid ng Prov’l. Health Office
March 21, 2019
Transport and Road Usage Code sa Batangas Province, nilagdaan na
March 25, 2019

March 21, 2019

Ipinagdiwang ang ikatlong anibersaryo ng pagkakatatag ng Bahay Pag–asa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa Provincial Sports Complex, Bolbok, Lungsod ng Batangas noong ika-21 ng Marso 2019, sa pangunguna nina Governor DoDo Mandanas at Gng. Jocelyn R. Montalbo, Department Head ng Provincial Social Welfare Develpment Office (PSWDO).

Ang Bahay Pag-asa ay isang 24/7 rehabilitation center para sa mga batang may kinakaharap na suliranin sa batas o children in conflict with the law (CICL).

Sa gabay ng temang “Sama-sama para sa Pagbabago ng Kabataang Batangueño”, ang palatuntunan ay pinasimulan ng Holy Mass, kasunod ang pagbabasbas sa Grotto, at pagbibigay ng testimonya ng isang magulang at kaniyang anak na nabago ang buhay dahil sa nasabing rehabilitation center.

Sa kaniyang mensahe, ipinaabot ni Gov. Mandanas ang buong suporta ng pamahalaang panlalawigan sa mga proyekto ng Bahay Pag-asa. Binigyang-diin din niya sa mga CICL na pinakamahalaga ang pagiging maka-Diyos sa harap ng lahat ng mga nangyayaring suliranin sa kanilang buhay.

Naging panauhin sa pagtitipon sina Director Annie E. Mendoza, Regional Director ng DSWD Region IV-A, at Judge Florencio Arellano, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 1 ng Batangas City.

Ayon kay Ms. Grena C. Perez, Center Head ng Bahay Pag-asa, layunin ng pasilidad na hubugin ang mga kabataang naliligaw ng landas, mabago ang takbo ng kanilang buhay at matuto na sumunod sa mga batas. Dagdag pa niya, ang mga serbisyo at programa ng center ay may kaugnayan sa social services; medical and psychological services; home life services; character building and life skills; socio cultural and recreational services; livelihood and productive skills training; agro-farming; family intervention at foster placement; at, kinship care/group home.

Ginawaran din ng “Salamat Po” Award ang mga naging ka-partner at katulong ng Bahay Pag-asa, kabilang ang Sta. Rita de Casia Parish Church, pamahalaang panlalawigan at ilang barangay sa lalawigan. – JunJun De Chavez– Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.