Serbisyong Pangkalusugan hatid ng Prov’l. Health Office

Indak Kababaihan 2019, matagumpay na isinagawa sa Batangas Capitol
March 20, 2019
Ikatlong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bahay Pag-asa, Ipinagdiwang!
March 21, 2019

March 21, 2019

Sa tuloy-tuloy na pagbibigay ng mahusay at angkop na serbisyong pangkalusugan para sa mamamayang Batangueño, inilahad ng tanggapan ng Provincial Health Office (PHO), na pinamumunuan ni Dr. Rosvilinda Ozaeta, ang ilan sa mga accomplishments, kasalukuyang updates at mga aktibidad na isinasagawa, sa layuning maitaas pa ang antas pagdating sa health servics sa Lalawigan.

Batay sa naging datos ng PHO noong taong 2018, ang 12 pagamutan na nasa ilalim ng pamamahala ng tanggapan ay nakapagtala ng ilang mga pagbabago na magdudulot ng kaginhawaan sa mas marami pang nangangailangan. Dito ay nadagdagan ang mga higaang pampasyente at tumaas ang bilang ng mga pasyenteng napagaling na may halos nasa anim na libo.

Buong pagmamalaki namang iniulat ng tanggapan ng Panlalawigang Pangkalusugan na ang probinsya ng Batangas ay isa sa dalawampu’t anim na lalawigan sa bansa na gagawing ehemplo sa pagpapatupad ng Universal Health Care Act na matatandaang nilagdaan ng Pangulo noong Pebrero.

Ayon sa tanggapan, sa natitira pang mga buwan ng 2019, inaasahan na mas mapapagtibay pa nila ang patuloy na pagpapataas ng antas at gawing huwaran ang Lalawigan ng Batangas pagdating sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan.

Upang mapalawig pa ang pagtulong sa mga Batangueño, patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng Provincial Health Office sa ilang mga pambansang ahensya. Isa na dito ang pagtatatag ng Malasakit Center sa Batangas Provincial Hospital na matatagpuan sa bayan ng Lemery.

Sa papamagitan ng nasabing one-stop service center, napaglingkuran ang 674 na mga pasyente, simula nang buksan ito noong Disyembre 2018 hanggang ika-9 ng Marso 2019 sa tulong ng pondong mahigit na dalawang milyong piso.

Malaking tulong naman ang natanggap na tatlumpung milyong piso ng Batangas Provincial Hospital mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO para sa pagbili ng Computerized Tomography Scanner (CT Scan Machine).

Sa kasalukuyan, matindi pa rin ang isinasagawang pagkilos ng Provincial Health Office sa kaso ng tigdas sa lalawigan. Base sa kanilang huling datos, na naitala noong ika-7 ng Marso 2019, nasa 574 na ang nadapuan ng naturang sakit, kung saan apat dito ang namatay buhat sa komplikasyon.

Ipinagbigay-alam ng PHO, mula sa kanilang pagsisiyasat, na ang hindi pagpapabakuna laban sa tigdas ang naging pangunahing dahilan ng pagkakasakit.

Sa ngayon ay isinasagawa ang Supplementary Immunization Activity o SIA. Masusing sinusuyod ng mga doctor, nurse, at midwives ang buong lalawigan upang ang lahat ng bata, na may edad 6 hanggang 59 na buwan ay mabigyan ng naaangkop na measles vaccine upang hindi na mahawa ng sakit. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.