Full Disclosure Policy Version 2 Portal, sumailalim sa Field Testing

Gov. DoDo muling nanumpa sa katungkulan, nagbahagi ng State of the Province Address
July 1, 2019
Inaugural Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, idinaos
July 1, 2019

July 1, 2019

Matagumpay na naisagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang paglulunsad at field testing ng Full Disclosure Policy (FDP) Portal Version 2 noong ika-26 hanggang 27 ng Hunyo 2019 sa The Linden Suites, Ortigas Center, Pasig City.

Ang pagsasanay ay dinaluhan ng mahigit 30 FDP focal persons mula sa iba’t ibang rehiyon at Local Government Units (LGUs) sa bansa, kabilang ang Batangas Provincial Information Office (PIO) para sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas. Layunin ng field testing na maituro ang operasyon ng bagong FDP Portal, na sumailalim sa isang system upgrade ng DILG, katuwang ang Information Systems and Technology Management Service (ISTMS), ang in-house programmers ng nasabing ahensya.

Ilan sa bagong features ng FDPP V2 ang pagkakaroon ng demographics, report generation, online validation of uploaded financial documents at summary of compliance report generation. Ang mga nasabing features ay wala sa naunang FDP Portal.

Upang maisulong ang transparency sa pamahalaan, ipinatutupad ang FDP kung saan kinakailangang bukas sa publiko ang mga dokumentong pang-pinansyal ng mga local government units (LGU). Sa ganitong paraan, maaaring makita kung paano inilalaan at ginagastos ang pondo ng pamahalaan, na isa sa mga batayan upang magawaran ng Seal of Good Local Governance ang isang pamahalaang lokal.

Inaasahang sa taong 2020 ay nasa full implementation na ang V2 protal sa lahat ng LGUs sa bansa. Ginawa rin sa pagtitipon ang field testing ng Foreign Travel Authority Online System at Elective Local Officials Profile Database System. – Marinela Jade Maneja, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.