Inaugural Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, idinaos

Full Disclosure Policy Version 2 Portal, sumailalim sa Field Testing
July 1, 2019
Docu film na “A Plastic Ocean”, nag-special screening sa Lungsod ng Batangas
July 1, 2019

July 1, 2019

Pormal na idinaos ang inaugural session ng bagong Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas, sa pangunguna ng bagong halal na Vice Governor Jose Antonio “Mark” Leviste II na nagsilbi bilang presiding officer, noong July 1, 2019 sa Salvador H. Laurel Session Hall, Apolinario M. Mabini Legislative Building, Capitol Site, Batangas City.

Bilang panimula sa sesyon, pinangunahan ni 3rd District BM Atty. Jhoanna Corona ang panalangin na sinundan naman ng kapwa bagong miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na si 3rd District BM Rudy Balba na pinamunuan ang pambansang awit.

Nagkaroon lamang ng isang order of business sa nasabing sesyon, na pinasimulan ni Senior Board Member Claudette Ambida ng 5th District, kung saan ipinanukala ang isang resolusyong nagtatakda sa oras at araw ng pagdadaos ng regular session na napagkasunduang ganapin tuwing Lunes, alas 10 ng umaga sa session hall.

Ang unang regular session ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas ay nakatandang ganapin sa Lunes, ika-8 ng Hulyo, kung saan pormal na magpapahayag ng kanilang inaugural messages ang mga bagong miyembro ng lupon na sina 3rd District Board Members Jhoanna Corona, Rudy Balba at 6th District BM Bibong Mendoza.

“It is a true honor and privilege to be back home and continuously serve our beloved institution, and we all look forward to be helping one another for the greater good of our beloved Province—Batangas,” ani Leviste, na datihan nang nagsilbi bilang bise gobernador mula 2007 hanggang 2013.

Samantala, malugod namang tinanggap ng Sangguniang Panlalawigan si newly-appointed ex-officio Board Member Maria Louise Vale, dating Vice President ng Sangguniang Kabataan Provincial Federation, bilang kahalili ni former ex-officio BM Hannah Beatriz Cabral na nagbitiw na sa pwesto, epektibo noong ika-30 ng Hunyo 2019. – Marinela Jade Maneja, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.