COVID-19 Test para sa mga High Risk Vulnerable Sector sa Batangas Aarangkada na

Estado at mga Planong Panturismo sa Batangas, Tinalakay ng Batangas Tourism Council
July 10, 2020
“Pagandahan ng Paligid at mga Pananim” Contest, Programang Hatid para sa Taal Evacuees
July 16, 2020

July 15, 2020

Ipinag utos ni Batangas Governor DoDo Mandanas sa Batangas Province Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), sa pangunguna ng Provincial Health Office ang pagsasagawa ng mandatory COVID 19 Test para sa mga itinuturing ng High Risk Vulnerable Sector sa lalawigan sa ginanap na linguhang pagpupulong ng Batangas IATF noong ika-13 ng Hulyo 2020.

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ay kasalukuyang nasa proseso ng pag tukoy sa mga indibidwal na kinakailangang bigyan ng prayoridad na sumailalim sa Polymerase Chain Reaction (PCR) Test upang mapakinabangan ng wasto ang kapasidad ng mga bagong tayong Molecular Testing Laboratories para sa COVID-19 sa lalawigan.

Bilang tugon sa direktiba, ipinaalam ni Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta, kay Governor Mandanas na kasalukuyan at tuloy-tuloy na nakikipag- ugnayan ang Batangas IATF sa mga local government units (LGUs) para sa pagpapasa ng kanilang listahan ng mga priority individuals, na kabilang sa high-risk at vulnerable sector na isasailalim sa swab test.

Ayon kay Mandanas, kinakailangang tutukan muna ang mga taong may pinakamataas ang bantang mahawa ng virus dahil sa limitado pa ang kasalukuyang bilang ng test kits mula sa Department of Health, na maaaring magamit ng pamahalaang panlalwigan.

Sa ganitong paraan, hindi aniya maaaksaya at magagamit ng wasto ang mga test kits sa mga indibidwal na nagkaroon ng close contact sa mga nag-positibo sa COVID-19, partikular ang mga nagpapakita ng sintomas, at mga frontliners na araw-araw na sumasabak sa kanilang trabaho para labanan ang pandemya.

Paraan din umano ito upang maabot ang potensyal na kakayahan ng mga testing laboratories sa lalawigan, kabilang ang mga PCR Molecular Testing Laboratories ng Philippine Red Cross at Batangas Medical Center, na kapwa nasa Lungsod ng Batangas.

Bukod dito, ipinag-utos din ni Governor Mandanas ang patuloy na pagpapalakas sa health program ng lalawigan sa pamamagitan ng pagtutok at pagsugpo sa mga sakit na pangunahing nauugnay sa COVID-19, tulad ng respiratory diseases (tuberculosis, pneumonia, at asthma), diabetes, high blood pressure at heart and kidney ailments. Ang mga nabanggit na sakit ay mga kondisyong nakikitang pinapapalala ng COVID-19 virus.

Iniatas din nito na pag-aralan ang pagpapalabas ng ₱50 Milyon na pondo para sa pagpapatayo ng mga healthy kitchens sa mga eskwelahan, pagpapalakas ng organic farming, at pagpapagawa pa na mga quarantine facilities sa iba’t-ibang LGU sa lalawigan.

E.V. Zabarte – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.