Estado at mga Planong Panturismo sa Batangas, Tinalakay ng Batangas Tourism Council

Bagong PCR Molecular Lab sa Lalawigan ng Batangas, Binuksan na
July 9, 2020
COVID-19 Test para sa mga High Risk Vulnerable Sector sa Batangas Aarangkada na
July 15, 2020

July 10, 2020

Nagpulong sa isang “virtual meeting” ang mga miyembro ng Batangas Tourism Council (BTC), sa pangunguna ni BTC President Mr. Sonny Lozano at Provincial Tourism and Cultural Affairs Office Department Head Atty. Sylvia Marasigan, kung saan maigting na tinalakay ang kasalukuyang estado ng turismo sa lalawigan.

Naging pangunahing mga adyenda sa pagpupulong ang katayuan ng mga establisimiyento ng turismo sa Batangas, 2018-2020 tourist arrival report, pag-update ng registration ng tourism establishments sa PTCAO, at pagpaplano ng Tourism Month Activities at Batangas Foundation Day sang-ayon sa mga itinalagang panuntunan ng Inter-Agency Task Force.

Kaugnay dito, hindi umano maipagkakaila ang naging malaking epekto at paghina ng industriya ng turismo sa lalawigan ng Batangas ngayong taon, bunsod ng naging pagsabog ng Bulkang Taal pati na rin ng kasalukuyang kinakaharap na pandemyang COVID-19 sa buong mundo.

Kaya naman, ang BTC, sa pakikipagtulungan sa PTCAO at mga stakeholders mula sa iba’t ibang sektor, ay patuloy na bumubuo ng mga proyekto at programa, na nakatuon sa pagtulong at higit pang pagpapalakas sa industriya ng turismo sa lalawigan sa kabila ng “new normal”.

Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.